Advertisers

Advertisers

MAKAPAL ANG APOG NI BATO

0 41

Advertisers

HINDI namin alam kung saan kumuha ng lakas ng loob at lohika si Bato (kinikilabutan kami na tawagin siyang senador). Sa isang pahayag, nagbabala si Bato na mahaharap sa impeachment si BBM kung pababayaan niya ang International Criminal Court (ICC) at International Police (Interpol) na dakpin ang mga taong sangkot sa madugo pero palpak na giyera kontra droga ni Gongdi. Maikli ang pahayag ni Bato sa madla. Ngunit dahil sa kakitiran ng pag-iisip, hindi ganap nagpaliwanag ng konteksto sa kanyang pahayag si Bato.

Katwiran ni Bato: trabaho ng gobyerno na pangalagaan ang mga mamamayan kontra ICC at Interpol. Ipinahiwatig niya sa kanyang maikling pahayag na ewan kung sino ang nagpayo sa kanya at naghanda na kung dadakpin silang mga sangkot sa madugong war on drugs ni Gongdi, may mga nakatago at hindi kilalang nilalang ang kaagad na magsasampa ng reklamong impeachment kay BBM. Bitin ang statement ni Bato.

Hndi niliwanag ni Bato kung ano ang batayan sa Saligang Batas ng kanyang pahayag na mahaharap sa impeachment si BBM. May mga batayan upang maharap sa impeachment ang nakaupong pangulo at kahit sinong impeachable official at matanggal sa puwesto: hayagang paglabag sa Saligang Batas (culpable violation of the Constitution; pagtataksil sa bansa (treason); pagtanggap ng suhol (bribery); graft and corruption; at pagtataksil sa tiwala ng publiko (betrayal of public trust).



Hindi niliwanag ni Bato kung saan babagsak ang sinabi niyang paglabag umano sa Konstitusyon ni BBM. Walang detalye ang kanyang iniambang panakot kay BBM. Ginawa niyang kamukha niyang tanga at uto-uto ang sambayanang Filipino sa panakot na impeachment kay BBM. Hindi alam ni Bato na hindi pinangangalagaan ng sinumang pangulo ang mga pusakal na kriminal. Hinahabol ng batas ang mga ito at walang obligasyon ang pangulo na pangalagaan sila.

Ikinatwiran ni Bato na kailangan pangalagaan ng presidente kahit ang mga pusakal na kriminal at kung hindi niya gagawin ito, mahaharap siya sa impeachment. Hindi namin alam kung saan ibinatay ni Bato ang ganitong pananaw. Hindi namin alam kung nakipag-inuman siya sa mga preso ng Munti at may ganyan na siyang interpretasyon.

Mahirap ang mangmang. Kailangan maunawaan ni Bato na naiiwan ang mga mangmang. Kawawang nilalang.

***

WALANG kawala si Bato sa ICC. Kasama siya sa mga isinakdal ng crimes against humanity sa ICC dahil sa maramihang pagpatay sa mga pinaghinalaang adik at tulak s bawal na droga. Hindi maitatago ni Bato ang kanyang partisipasyon sa war on drugs ni Gongdi. Si bato ang lumagda ng Memorandum Circular No. 1 na naglunsad sa Operation Double Barrel kung saan ginamit ng tila baliw na dating pangulo ang PNP bilang institusyon sa war on drugs.



May dalawang bahagi ang Operation Double Barrel: Open Tokhang para sa mga mahihirap at Oplan High Value Target para sa mga mayayaman at panggitnang uri. Ito ang malinaw na patunay na state-sponsored ang war on drugs ni Gongdi. Si Bato ang nagpatupad ng kanyang madugo pero palpak na digmaan kontra droga.

Matagal na namin ipinayo kay Bato na pinakamabuti ang magretiro na siya sa pulitika. Mukhang tunay na may kahinaan ang ulo, hindi niya nahahagap ang ibig sabihin ng aming payo sa kanya. Nasarapan sa pagiging senador at gusto niyang manatili sa poder. Puwes, kailangan harapin niya ang mga pananagutan sa batas.
*
MALINAW ang mensahe ni Kin. Jefferson Khonghun, isang Tsinoy, ng Zambales: itakwil ang mga kandidato na kumikiling sa Tsina. Hindi sila karapat-dapat. Basahin ang kalatas:

HOUSE Assistant Majority Leader Jay Khonghun of Zambales on Monday urged Filipino voters to reject candidates who support China’s interests in the upcoming May elections, warning against the dangers of electing leaders who will compromise national sovereignty in the face of China’s illegal incursions in the West Philippine Sea (WPS).

Khonghun, House Special Committee on Bases Conversion chairman, pointed to recent surveys showing a growing number of Filipinos opposing China’s aggressive actions in Philippine waters, including a Pulse Asia survey commissioned by the Stratbase ADR Institute revealed that 73% of Filipinos would not support candidates perceived to be pro-China, reflecting a nationwide sentiment of distrust towards the foreign power.

Similarly, an OCTA Research survey in March 2024 found that 76% of Filipinos view China as the country’s “greatest threat,” underscoring deep-seated concerns over territorial integrity and national security.

“Malinaw ang mensahe ng ating mga kababayan. Hindi nila tatanggapin ang mga kandidato na pumapanig sa China. Ang eleksyon ngayong Mayo ay pagkakataon nating ipakita na hindi natin ibebenta ang ating soberanya,” Khonghun stressed.

He added that it is crucial for Filipinos to elect leaders who will stand firm against China’s continued harassment of Filipino fisherfolk and its unlawful activities in the WPS.

“Ang darating na eleksyon ay mahalaga hindi lamang para magluklok tayo ng ating mga lokal at pambansang lider, kundi isyu na rin ito ng national security. We must choose leaders who will defend our territorial rights, not those who will bow down to China’s influence,” he said.

Khonghun emphasized the need for a strong and united stand against foreign aggression, reminding voters that their choices will shape the country’s future. “Ang boto natin ay sandata laban sa mga kandidatong nagpapagamit sa China. Huwag natin hayaan na masira ang kinabukasan ng ating bayan,” he said.

According to the lawmaker, candidates with questionable ties to China should be thoroughly scrutinized, as their policies could undermine the country’s economic and security interests. He urged voters to prioritize patriotism and integrity over short-term promises and political alliances.

Khonghun also warned against disinformation campaigns aimed at misleading voters into supporting pro-China candidates. “The Chinese propaganda machinery is at work, influencing narratives and promoting their chosen candidates. We must stay vigilant and informed,” he cautioned.

***

Email:bootsfra@gmail.com