Advertisers

Advertisers

Magulang ng dengvaxia vax victims muling dumulog sa DOJ

0 9

Advertisers

MULING kinalampag ng mga magulang ng mga biktima ng Dengvaxia ang Department of Justice (DOJ) matapos ibasura ang 98 kaso ng mga batang nasawi.

Bitbit ang kanilang mga plakard, emosyonal na sumugod sa tapat ng tanggapan ng DOJ ang mga magulang. Sigaw nila na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanilang anak.

Hiling nila na sana ay sinuri nang maigi ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla ang kaso bago naglabas ng desisyon.



Ilan sa mga magulang ay lumuhod at nagmakaawa pa sa harap ng DOJ para hilingin na muling pag-aralan ang kaso ng kanilang anak na una nang nabasura.

Pakiusap pa ng mga magulang na sana ay pairalin ni Remulla ang kaniyang pagiging kalihim ng DOJ at pakinggan ang inihain nilang mosyon.

Nasa 98 kaso ng pagkamatay ng mga bata nang maturukan ng dengvaxia ang ibinasura ng DOJ, kungsaan nagtataka ang ibang magulang dahil naisampa na sa korte ang nasa 43 naunang kaso.

Giit pa ng mga magulang, ang iba sa kanila ay higit pitong taon nang hinihintay ang hustisya, at hindi sila papayag na mauwi sa wala ang nangyari sa kanilang mga anak. (Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">