Advertisers

Advertisers

Activities sa Chinese New Year pangungunahan nina Mayor Honey at Amb. Huang Xilian

0 23

Advertisers

PANGUNGUNAHAN nina Manila Mayor Honey Lacuna at China Ambassador to the Philippines Huang Xilian ang mga gawain tungo sa pagsalubong sa Chinese New Year, kung saan magsisimula ito sa lighting up ng Filipino-Chinese Friendship Arch na siyang daan tungo Manila Chinatown.

Ayon kay City Administrator Bernie Ang, vice chair of the Manila Chinatown Development Committee (MCDC), magkakaroon din ng sabay-sabay na lighting up activities sa apat na magkakatulad na arko sa iba pang bahagi ng lungsod.

Sinabi ni Lacuna na ang arko patungo sa Chinatown ay itinayo bilang iconic testament sa matagal ng pagkakaibigan ng mga residente ng Maynila at ng mga miyembro ng Chinese-Filipino communities.



Ang Maynila, ayon pa sa alkalde ay tahanan ng oldest Chinatown in the world, matapos ipagdiwang nito ang ang kanyang ika-430 taon kamakailan.

Pagkatapos ng pagpapailaw sa arko na nakatakdang gawin dakong alas-10 ng gabi, sina Lacuna at Ambassador Huang ay maglalakad patungo sa Jones Bridge kung saan gaganapin ang programa para sa countdown bilang simula ng Chinese New Year ganap na alas-12 hatinggabi.

Matapos ang countdown ay susundan ito ng makukulay ng fireworks display at drone show at ito ay inaasahang dadaluhan ng mga city officials at kinatawan ng iba’t-ibang Chinese-Filipino organizations na naka-base sa Maynila.

Dakong alas -2 ng hapon sa mismong Chinese New Year, January 29, isang grand thanksgiving parade naman ang iikot sa Manila Chinatown area na pangungunahan din ni Mayor Honey Lacuna at Ambassador Huang bilang selebrasyon ng long-running good relations sa pagitan ng city government at ng mga Chinoy organizations sa Maynila. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">