Advertisers

Advertisers

AARYA CHINESE NEW YEAR SA BANAWE, QC!

0 2,381

Advertisers

AARYA at dadagundong ang masayang selebrasyon bilang pagsalubong sa CHINESE NEW YEAR sa bahagi ng QUEZON CITY CHINATOWN na katatampukan ng TSINOY TEENS TALENT SHOW at mga konsiyerto ngayong Miyerkules (January 29, 2025).

Bahagi ng sibilisadong pamamalakad lalo na sa isang CITY GOVERNMENT ay pangungunahan ni QC MAYOR JOY BELMONTE kasama ang kanilang CITY OFFICIALS ang pagtatampok ng “CHINATOWN FOOD CRAWL AND MEDIA LAUNCH” sa BANAWE St., Cor. G. ROXAS St., to Cor. STA. CATALINA street.., na ito ay isang porma sa pagpapakita ng mayamang pamanang pang-kulinarya ng BANAWE at bahagi ng pagtataguyod sa LOCAL TOURISM upang maipakita at maipadama ang kasaysayan, kultura at modernong atraksiyon sa naturang lugar.

Sa naturang selebrasyon ay naihayag ni CITY MAYOR BELMONTE na siya ay may dugong TSINOY at kaisa siya sa pagsuporta sa pagdiriwang ng CHINESE NEW YEAR mula pa noong siya ay VICE MAYOR sa kanilang lungsod.., na ang pagdiriwang ngayong Miyerkules ay minimal budget ang kanilang inilaan na nagkakahalaga ng P1.5 milyon bilang pagsuporta sa FILIPINO-CHINESE BUSINESSMEN.



Inihayag ni JOEL DISTRAJO mula sa OFFICE OF THE CITY ADMINISTRATOR na isang araw lang ipagdiriwang ang CHINESE NEW YEAR sa BANAWE.., kaya walang parada sa taon na ito. Gayunman ay inaasahang may 50 EXHIBITORS ang lalahok sa pagdiriwang. Hinikayat din nito ang mga kalahok na maging “ECO-FRIENDLY” bilang suporta sa programa ng kanilang lungsod para sa isang luntiang kapaligiran.

Ang QC CHINATOWN ay may lawak na limang ektarya na ayon kay QC CHINATOWN DEVELOPMENT FOUNDATION INC., CHAIRMAN CHARLES CHEN ay nais nilang gawing pangunahing destinasyon ang BANAWE sa METRO MANILA. Ipinunto rin ni BENJAMIN CO na siyang SECRETARY GENERAL ng FOUNDATION na hindi nila tatalakayin ang geopolitika o ang isyu sa West Philippine Sea sa selebrasyon.

Tiniyak naman ni ACTING QC POLICE DISTRICT DIRECTOR COL. MELECIO MADDATU BUSLIG JR. na magpapakalat sila ng 300 pulis para sa seguridad ng okasyon sa koordinasyon kay DEPARTMENT OF PUBLIC ORDER AND SAFETY (DPOS) RET. GEN. ELMO DG. SAN DIEGO.

Inihayag naman ni ACTING CHIEF TOURISM OPERATIONS OFFICE GIANA AIRA A. BARATA na hindi lang kilala ang BANAWE sa mga AUTO PARTS kundi pati na rin sa masasarap na PAGKAING TSINO.., na ito ay isa ring pagpapaunlad at pagpapaganda ng BANAWE sa mga prayoridad ng lokal na pamahalaan upang higit pang pagtibayin ang KULTURANG TSINO sa lugar.

Sa pagdiriwang ngayong Miyerkules ay pasisimulan ang DANCE FIT & RIBBON CUTTING alas-8:00 ng umaga at dakong alas-10:00 naman ng umaga ay ang DRAGON AND LION DANCE at ang QC CHINATOWN DANCE COMPETITION.., na pagsapit ng alas-3:00 ng hapon ay ang QC CHINATOWN TEENS TALENT SHIW 2025 at pagsapit ng alas-5:39 ng hapon ay mga konsiyerto naman o ang pagrampa naman ng mga iba’t ibang personalidad sa larangan ng MUSIC INDUSTRY!



***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.