Advertisers
AGAW-PANSIN ang 77-anyos na lolo nang sumalang sa libreng tuli ng lokal na pamahalaan ng Maguindanao del Sur, Datu Montawal, Enero 22.
Matagal na raw gustong magpatuli ng lolo, kaya nang mabalitaan niya ang medical outreach program sa kanilang lugar, naglaan ito ng panahon para makapunta rito.
Aniya, hindi siya nakapagpatuli dahil sa iba pang dahilan tulad ng kakulangan ng serbisyong medikal sa kanilang lugar.
Nakatanggap siya ng reward na P30,000 dahil sa pagpapatuli.
Bukod sa 77-anyos na lolo, nagpatuli rin ang isang 31-anyos, 21-anyos at 16-anyos na binigyan din ng cash reward ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu.
Bukod sa serbisyong medikal, namigay rin ng reading eyeglasses para sa matatanda, libreng tsinelas para sa mga bata, feeding program at namahagi rin ng mga relief goods.