Advertisers
Ni Rommel Gonzales
TINANONG namin si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa kung ano ang naging Christmas wish niya nitong nakaraang Disyembre.
“Ako naman ang dalangin ko ang manalo yung karapat dapat.
“Hindi ibig sabihin sarili ko yun, kung sino sa tingin ng Diyos ang karapat dapat, tamang tao na mamumuno sa Maynila, siya po yung dapat manalo.”
Tinanong din namin si Sam, alam namin halos nasa kanya na ang lahat, pero halimbawang may isang materyal na bagay na gusto sana niyang matanggap na regalo, ano iyon?
“Wala po talaga e,” bulalas ni Sam.
“Wala na sa akin yung mga material. Wala na. Ang happiness ko po e, pag na-fulfill ko yung purpose ko sa mundo.
“‘Yan ang definition ko ng happiness, purpose fulfilled. Na-fulfill ko yung purpose ng Panginoon sa akin.
“Binigyan niya ako ng sobra, ano ang gagawin ko sa mga gift at blessing na yun?
“Pag nai-share ko sa iba, marami akong natulungan.
“Actually, doon ako masaya e, kaya ko ‘to ginagawa din, masaya ako, hindi dahil may ibang purpose.
“Masaya lang ako.”
Nito ring Disyembre ay tumungo at tumulong si Sam sa mga nasunugan sa Isla Puting Bato sa Maynila.
“Nandun ako, yung mga nasunugan, mahigit dalawang libong pamilya.
“Nasunugan sila, pero kahit papaano, nabigyan namin ng konting saya, ngiti, ginhawa.
“Ang mga binigay namin yung mga special Sinandomeng rice, Spam, siyempre kailangan masarap.
“Mga Luxxe products, vitamins, damit at pati mga toiletries, sabon.”
Ilang bahay ang nasunugan?
“Almost 2,200 families yung apektado. So, pinuntahan ko, bukod doon pumunta pa akong Sampaloc, ganun din, binigyan ko rin ng Spam, rice, may ano pa, may financial assistance.
“Alam mo, kaibahan nito, galing ito sa sarili kong bulsa,” nakangiting sinabi pa ni Sam o SV.