Advertisers
BINATIKOS ng election lawyer, Romulo Macalintal, ang Senate Bill No. 2816 na nagtatakda ng four-year term para sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) officials.
Inilarawan niya itong “unconstitutional, deceptive and misleading”.
Sa kanyang statament nitong Linggo, kinontra ni Macalintal ang bill na nagpo-postpone ng December 1, 2025 at gaganapin sa May 8, 2029.
Naniniwala ang abogado na ang pagbabagong ito ay lumalabag sa karapatan ng mga botante na makapili ng kanilang mga lider.
“The bill gives an additional four years of service for incumbent barangay and SK officials on a hold-over capacity, violating the rights of voters to elect their own barangay officials,” diin ni Macalintal
Bibigyang diin niya na ang binalewala ng bill na ito ang guidelines ng Supreme Court sa 2023 Macalintal vs. Comelec decision, na dinekalara ang mga naunang pagtatagka na pagpaliban sa BSKE bilang unconstitutional.
Ipinaliwanag niya ang SC ruling sa kaso, na nagsasabing ang pagpaliban sa elections ay nangangailangan ng “reasons sufficiently important, substantial or compelling under the circumstances” at ang “shortness of the existing term” ay hindi nabibigyan ng katuwiran ang anumang hakbang.
Idinepensa ng nag-isponsor sa bill na si Senator Imee Marcos ang proposal, sinabing ito ay para ang barangay at SK officials “to deepen their understanding of both national and local issues”.
Pero ibinasura ni Macalintal ang ganitong katuwiran, kinuwestyon kung bakit ang kaparehong extensions ay hindi ginagawa sa ibang local officials na ang termino ay nanatili sa tatlong taon.
“If deeper understanding of the issues affecting a locality could not be grasped in three years, how come the term of office of provincial governors, city or municipal mayors and other local elective officials remained at three years only?” tanong ng election lawyer.
Tinuligsa pa ni Macalintal ang bill sa pagkabag sa constitutional provision na nagsaasad: “a bill must not embrace more than one subject which shall be expressed in its title.”
Inilarawan niya itong isang porma ng “log-rolling legislation”, pinagsama ang magkaibang provisions tulad ng term extensions, election postponement, at hold-over capacities para sa incumbents.
Ipinunto ni Macalintal ang mga opinyon mula sa SC justices sa Macalintal vs. Comelec case, nagbiigay-diin na ang pagpalawig sa termino ng incumbent officials ay nagpapahina sa demokrasya.
“Congress cannot enact laws that extend the term of incumbent barangay and SK officials, for they are unconstitutional for violating the democratic underpinnings of our governmental system, wherein elective officials serve by virtue of winning an election,” isinulat ni Supreme Court Justice Alfredo Caguioa sa kanyang hiwalay na opinyon sa kaso.
Nanawagan si Macalintal kay Presidente Ferdinand Marcos Jr. na i-veto ang bill, naglalarawan dito na “appalling, shocking and ridiculous,” at hinikayat na maging maingat sa pagsisiyasat sa anumang batas na lumalabag sa karaoatan sa pagboto.
“A law changing the schedule of elections is a whole different animal. Thus, any infringement of the right to vote must be carefully and meticulously scrutinized,” sabi niya, pagsipi ng kay Chief Justice Alexander Gesmundo.
Noong Martes, January 14, inaprubahan ng Senado ang bill sa third and final reading kungsaan 22 affirmative votes, no negative votes, and no abstentions.
Alinsunod sa bill, ang sunod na BSKE elections ay gaganapin sa unang Lunes ng October 2027 at sunod nito ay kada apat na taon na.