Advertisers
NAGREKLAMO ang isang ginang nang ma-scam sa Barangay Lanot, Roxas City, Capiz.
Isamg 34-taon gulang na babae at residente ng nasabing barangay ang biktima.
Sa imbestigasyon ng Roxas PNP, bago ang insidente ay umorder ang biktima ng iba’t ibang gulay sa online sa isang lalaki na taga-Cabuyao, Laguna.
Nakatakda sanang dumating ang kanyang order January 20, 2025 ngunit hindi ito dumating.
Nabatid na umabot sa P6,000 ang naipadala ng biktima sa scammer.
Binlock na siya nito nang singilin nito ang katransakayon online.
Patuloy ang imbestigasyon ng Roxas PNP sa nasabing panloloko online.