Advertisers

Advertisers

Konsehal, pinasabog ang ulo

0 13

Advertisers

NASAWI ang isang municipal councilor nang barilin sa ulo sa Quirino Boulevard, BarangayTamag, Ilocos Sur.

Kinilala ng Vigan City Police Station ang biktima na si Anthony Feraren Verzola, 60 anyos, may-asawa, ng Brgy. Callaguip, Caoayan, Ilocos Sur, isang municipal councilor sa naturang bayan.

Ayon sa mga nakasaksi sa pangyayari na nakausap ng mga otoridad, kumakain ng agahan sa harap ng isang food stall sa naturang lugar ang biktima nang barilin ng isang beses sa ulo ng isa sa mga salarin na nakasakay sa motorsiklo.



Ang biktima ay isinugod sa Ilocos Sur Provincial Hospital- Gabriela Silang ng mga rumespondeng CDRRMO personnel ngunit dineklarang dead-on-arrival ng mga doktor.

Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa krimen.

Ang biktima ay isa sa mga political candidate para sa parehong puwesto sa May 12, 2025 national at local elections.