Advertisers

Advertisers

Kahalagahan ng matagal at mabuting relasyon ng Maynila at Chi-Fil community, binigyang diin ni Mayor Honey

0 20

Advertisers

BINIGYANG diin ni Mayor Honey Lacuna ang kahalagahan ng matagal at mabuting relasyon ng lungsod ng Maynila at mga miyembro ng Chinese -Filipino community, matapos niyang ipahayag nang may pagmamalki na sinimulan na ng kabisera ng bansa ang kick-off activities sa pagdiriwang ng Chinese New Year celebration sa pamamagitan ng lighting of the Prosperity Tree or Money Tree sa Plaza San Lorenzo Ruiz noong Biyernes, January 24, 2025.

SINA Manila Mayor Honey Lacuna at Congressman Joel Chua sa lion eye-dotting ceremony prior bago anh lighting ng Prosperity Tree sa Plaza San Lorenzo Ruiz , Binondo. (JERRY S. TAN)

Ang nasabing activity, kung saan ang alkalde ay sinamahan nina Vice Mayor Yul Servo, City Administrator Bernie Ang, Congressman Joel Chua, third district Councilors Fa Fugoso at Karen Alibarbar pati na ang Manila Chinatown Barangay Organization president at kandidato sa pagka-Konsehal Ch.Jeff Lau. Dinaluhan din ito ni Department of Tourism Regional Director Sharlene Batin pati na ng mga kinatawan ng iba’t-ibang Manila-based Chinese-Filipino organizations.



Sa kanyang mensahe, ipinagmalki ni Lacuna na ang Maynila ang tahanan ng oldest Chinatown in the world, at sinabing ang pagbisita sa kabisera ng bansa ay ‘di kumpleto kung ‘di mararanasan ang Chinatown kung saan patuloy itong dinadalaw ng milyun-milyong turista lokal man o dayuhan.

SI Manila Mayor Honey Lacuna at City Administrator Bernie Ang, chairman and vice-chairman of the Manila Chinatown Development Council na namahala sa activities tungo sa Chinese New Year celebration sa Manila, na PORMAL na sinimulan sa lighting ng Prosperity Tree sa Plaza San Lorenzo Ruiz , Binondo. (JERRY S. TAN)

“This Prosperity Tree is not just an ordinary tree as it represents hope, luck and blessing for the New Year… a symbol of the abundant contributions of the Manila Chinatown in the city’s progress and bright future ahead over the centuries that we have gone through together,” pahayag ng alkalde.

Ayon kay Lacuna , labis na pinahahalagahan ng kanyang administrasyon ang impluwensya ng Chinatown: “has brought to our lives as a significant part of our culture and a symbol of unity and cooperation amongst ourFilipino-Chinese friends.”

“It has shown much influence in our city’s character, economy, trade and industry. This is a momentous event as we gear towards the celebration of the Year of the Wood snake which signifies transformation and embracing change,” dagdag pa nito.



Nabatid pa sa lady mayor na ang Maynila, ay halos kasingkahulugan na rin ng 430-year-old Manila Chinatown, na inilarawan niya bilang ‘one of the ultimate places to visit’, kasabay ng pagbibigay diin na ‘di maipo-promote ng lungsod ang Maynila kung ‘di mararanasan ng mga bumibisita dito ang lugar at mukha ng Chinatown.

SINA Mayor Honey Lacuna at City Administrator Bernie Ang sa isang posterity shot kasama ang Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA) officers sa pangunguna ng Pangulo nito na Itchie G. Cabayan (nakauo) . Nakatayo mula sa kanan sina Vice President Andi Garcia at directors Mylene Garcia and Bong Patinio. (JERRY S. TAN)

Sa kanyang bahagi, sinabi ni Chua na ang lighting ng prosperity tree ay ang kickstart ng Chinese Spring Festival Celebration na itinuturing na most important event sa Chinese culture.

“For this, as we light the prosperity tree, I fervently wish each and everyone of you a prosperous year ahead and may the coming new year bring so much blessings and good luck to all of us,” ayon kay Rep. Chua.

Ang Money Tree ay simbulo ng kayamanan at swerte, pinaniniwalaan na nagdadala ito ng kasaganahan at tagumpay sa negosyo. Madalas itong ibinibigay bilang token of respect sa paniniwalang magdadala ito ng blessing at spiritual guidance.

Pinangunahan din nina Lacuna, Servo at Chua ang lion eye-dotting ceremony sa opening ng Manila Chinatown Food Bazaar. Sa nasabing event, mayroon ding makukulay na lion dance, at iba pa. Sa kultura ng mga Chinese ang eye-dotting ay isang ritwal kung saan ginigising ang leon at dragon upang gampanan ang tungkulin na magdala ng proteksyon, swerte, magandang kalusugan at kasaganahan sa lahat ng mga dumalo sa okasyon.

Ang lighting ceremony naman ay senyal ng pagsisimula ng weeklong Chinese New Year celebration sa Manila, kung saan sentro ang Manila Chinatown ng iba’t-ibang uri ng kasayahan. (ANDI GARCIA)