Advertisers

Advertisers

I FLM: SUPREME SACRIFICE!

0 8

Advertisers

NANAIG ang interes ng bayan kesa sa sarili ang siyang markadong dahilan ng pag-withraw ni philantropist Francis Leo Marcos sa senatorial race ng national midterm election na idaraos sa Mayo 12, 2025.

Ang pamosong humanitarian advocator at tinaguriang pandemic hero ay nagsumite ng kanyang kandidatura sa Comelec noong Oktubre ng nakaraang taon para Senador ng bansa pero laking gulat niya nang ideklarang nuisance candidate ito ng poll body na umani ng sobrang kritisismo mula sa multi- milyones na followers nì FLM.

Gumana ang battery of lawyers ng batang Marcos kontra Comelec na umabot pa sa Supreme Court at pumabor naman ito sa kanyang last resort.



Araw ng Martes, Enero 21 ay nagpalabas ng temporary restraining òrder ( TRO) ang Supreme Court na nagpapawalang-bisa sa disqualification ni FLM at inatasan ng korte na isama sa imprenta ng balotà ang kanyang pangalan dahilan din upang ihinto ang nasimulan nang ballot printing na umabot na sa milyones ang natapos para mailagay ang Francis Leo Marcos sa balota sa itaas ng pangalan ni reelectionist lady Senator Imee Marcos.

Ito ay magreresulta ng sobrang delay ng imprenta, mababago ang salansan pati numero ng mga kandidatong apektado at ang pagkasayang ng daang milyong halagaFg magagastos dahil sa inklùsyon ng winnable Marcos.

Malaking pasasalamat at pagpupugay ang balik ni FLM sa SC na aniya’y kanyang napatunayang patas pa rin ang batas.

Pero sa kanyang marubdob na pagmumuni ay napagtantò niyang ang interes ng bayan ang mas mahalaga 7esa sarili.

“Imagine na hundreds of millions of pesos ang masasayang pàra lang maimplimenta ang atas ng batas na ilagay ang aking pangalan sa balota.Ang halagang iyon ay magagamit na para sa pangangailangan ng taumbayan sa kanilang kabuhayan. May tamang panahon pa naman sa aking adhikain.kaya bayan muna bago sarili,” pahayag ni FLM sa kanyang supreme sacrifice na pag-withraw sa karera bilang senatoriable noong Biyernes na pormal niyang isinumite sa Comelec office ni Chairman Garcia.



“ Kung nangibabaw ang aking sariling interes eh ano ba sa akin kung anong epekto ng TRO lalo pa’t masama ang loob ko sa poll body na nag-disqualify sa akin ,kaya ko naman gumasta sa isang national elections.Paumanhin at pasasalamat sa ating milyones na taga-suporta here and abroad. May susunod pä namang election,” ani pa Marcos.

Binigyang diin din ni FLM na hindi karuwagan ang pag-atras kundi isang kabayanihan para sa bayan.

***

Para sa reaksyon, pm 09451935472.