Advertisers

Advertisers

Gladys ibinuking na may lumalandi sa mister na si Christopher

0 11

Advertisers

Ni Archie Liao

HINDI ideal ang pagsasama nina Gladys Reyes at Christopher Roxas.

Tulad ng sinumang mag-asawa ay dumaraan din sila sa iba’t ibang pagsubok sa buhay.



Katunayan, nagkakaroon din daw sila ng mga away at mga di pagkakaunawaan.

Ayon pa kay Gladys, ang sikreto raw ng tatlumpung taong pagsasama nila ay ang pagiging open nila sa isa’t isa.

Sa kanilang buhay mag-asawa, hindi rin naiaalis na magkaroon sila ng selosan.

Hirit pa ni Gladys, never daw niyang pinakialaman ang cellphone ng mister.

Kinontra naman ito ni Christopher nang sabihin nitong naging usi ang misis sa kanyang gadget noong panahon ng pandemic.



Binasa raw nito ang messages sa kanyang cellphone.

Hindi naman ikinaila ni Christopher na may mga inquiry minsan hinggil sa bookings sa kanyang resto business.

Gayunpaman, kapag daw may mga nagpaparamdam sa kanya ng ibang klaseng proposal ay siya na itong umiiwas.

Aminado rin siyang dumating ang panahon na na-insecure siya kay Gladys dahil mas malakas itong kumita sa kanya.

Sa ngayon, nagpopokus daw siya sa pagpapaandar ng kanilang negosyo dahil bukod sa pamilya, business partners at mga empleyado ay may mga umaasa sa kanyang maka-deliver.

Sey pa niya, hindi raw niya tuluyang tinalikuran ang pag-aartista at open pa rin siya kung may magandang roles.

Si Gladys ay nakatakdang muling magpakitang gilas sa acting sa GMA-7 series na Cruz Vs.Cruz kung saan makakatrabaho niya ang balik-Kapusong si Vina Morales.