Advertisers

Advertisers

CIDG CHIEF ‘IPINANGANGALAKAL’ NI JACK-KOLEKTONG

0 1,362

Advertisers

Ni CRIS A. IBON

NANAWAGAN ang grupo ng anti-crime and vice crusaders na tanggalan ng maskara, ipaaresto at kasuhan ang isang nagpapakilalang “Jack” na umiikot sa mga vice den kaladkad ang pangalan ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director, Major General Nicolas Torre III, sa panghihingi ng lingguhang “lagay” mula sa mga ilegalista upang hindi hulihin ng CIDG operatives.

Ayon sa mga opisyales at miyembro ng Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB), ang kolektong activity ni Jack ay hindi lamang sa sirkulo ng mga ilegalista pinag-uusapan, kundi maging sa mga kapulisan, residente sa CALABARZON at Metro Manila kungsaan talamak ang operasyon ng illegal vices at fuel theft na notoryus sa tawag na paihi/buriki.



Parang nagngangalit na apoy ang mabilis na pagkalat ng nakadidismayang balita sa maraming rehiyon sa bansa lalo’t higit sa limang lalawigan ng CALABARZON at mga siyudad at munisipalidad ng Metro Manila ang lantarang panggagamit ng naturang tong kolektor na nakasisira sa malinis na imahe ng CIDG chief.

Si Jack-kolektong, na kilala sa tawag na “kapustahan” (police tong collector), ayon sa MKKB ay biglang sumulpot halos isang buwan na ang nakararaan at hinanap ang mga financier o operator ng sindikato ng oil and petroleum pilferage o fuel thieves, Small Town Lottery Bookies con jueteng, sakla, pergalan (peryahan na pulos sugalan) na front ng color games, iba’t ibang sugal lupa o table at card games na prente ng drug dealing na nagkalat sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon, ganundin sa 16 siyudad at sa nag-iisang munisipalidad ng NCR.

Ang paggamit ni Jack-kolektong sa pangalan MGen. Torre III sa pangingikil sa mga paihian/burikian ng oil, petroleum products at illegal gambling ay nagsisilbing batik sa imahe ng heneral na posibleng maging batayan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagpili ng posisyon bilang PNP Chief na papalit kay DGen. Rommel Francisco Marbil.

Ang mga alagad ni Jack ay sina alyas Sgt. Adlawan sa Batangas. Si Adlawan na eskalawag at korap na ex-Davao Police ay siya ring in-charge sa weekly kolek-tong ng Batangas PNP Provincial Office. Si alyas Randy na anak ni Jack ang nangongolekta ng “tongpats” para sa CIDG Padilla at Rizal, si alyas Francisco Mahirap sa Cavite at iba pa.

Si Jack din ang pinakamabigat na pamato o protektor ng mga grupo ng sindikato ng paihi/buriki sa Batangas at Cavite kaya’t ‘di matinag-tinag nina CIDG Regional Field Unit 4A Chief Col. Emerick Sibalo, at Batangas CIDG Provincial Officer LtCol. Jake Barila ang talamak na pagnanakaw ng sindikatong pinamumunuan ni “Rico Mendoza”, “Etring Payat” Hidalgo at “Efren” na may mga kuta sa Brgy. Banaba West Bypass Road, malapit sa Integrated School at UC Gasoline Station at Brgy. Banaba South Bypass Road sa tapat ng Toyota Cars Parking Area sa Batangas City.



Ang iba pang sindikatong paihi/buriki na “pinapatungan” o pino-proteksyunan ni Jack gamit na panakot sa iba pang awtoridad ang pangalan ni Gen. Torre III ay si alyas “Balita” na may kuta sa compound ng isang beach resort sa Brgy. Simlong, Batangas City, at ang mahigit sa 40 taon nang paihi/buriki nina alyas Amang at Cholo sa Brgy. Bancal, siyudad ni Carmona City Mayor Dahlia Loyola.

Bukod sa pagiging tong kolektor at protektor ng mga naturang sindikato, si Jack din ang bukambibig na padrino ng STL bookies operator na “Big 4” sa Lipa City, mga sakla den doon nina Russel, alyas Pat Lopez at Ornok; pergalan operation nina Onad at Rommel sa Brgy. Sabang at Talisay pawang sa hurisdiksyon ni Lipa City Police Chief LtCol. Rix Villareal; STL bookies nina Ocampo, Elnic, Arnold, Kon. Burgos, Lawin, Cristy, Gerry, Montilla, Rodel, Baduy at ng 35 iba pa, kasama na ang sakla joint sa Brgy. Bagbag sa Tanauan City ni Mayor Sonny Collantes; puesto pijo pergalan sa likod ng Sto. Tomas City Public Market pati na ang 24/7 na mala-konsiyertong pasugalan sa bayan ni Lian Mayor Joseph Peji sa tabi ng Lian Public Market.

Sa 16 siyudad ng Metro Manila at sa nag-iisang munisipalidad ng Pateros ay nagsisilbing anay naman ang partner ni Jack na si “Bebet Aguas” na nangongotong ng weekly protection sa mga iligalista gamit ang pangalan ng tanggapan ni Gen. Torre III. May Karugtong…