Advertisers
Nabatid na patuloy umano na iniisnab nina Mayor at Vice Mayor ng Urdaneta City Pangasinan ang suspension order ng Malakayang at DILG.
Kahit mayroon nang naipalabas na tig-1 taong suspension order laban kina Urdaneta City Mayor Julio Rammy Parayno at Vice Mayor Jimmy Parayno ang Malakanyang sa pamamagitan ni Executive Secretary Lucas Bersamin at Department of Interior and Local Government (DILG) kaugnay nang umano’y mga kasong grave misconduct at grave abuse of authority ng dalawang Parayno.
Sinasabi umano ni Mayor Parayno na hindi pa nito natatanggap ang suspension order at nakabakasyon daw siya mula January 7 hanggang January 21.
Samantala kaugnay nito niliwanag naman ni Pangasinan Governor Ramon Guico III, na hindi pa niya aprubado ang leave of absence ni Mayor Parayno at nagsisinungaling ito sa pagsasabing mayroon siyang aprubadong sick leave mula Enero 7 hanggang 21ng buwang ito.
Ayon kay Governor Guico, nagsumite si Parayno ng sick leave noong Enero 7 at natanggap ng kanyang tanggapan ang aplikasyon noong Enero 8 pero sinabi pa sa ulat na pinagsusumite muna niya ito ng mga sumusunod na mga requirements bago aksyonan ang inihaing sick leave tulad ng Duly sworn statement na nagpapatunay na wala itong ibang pending administrative case o criminal case laban dito bukod sa Sangguniang Panlalawigan admin case no. 2024, Duly notarized oath of undertaking dahil sa mga pending cases at Clearance sa kanyang money at property accountabilities.
Sinabi pa ni Governor Guico na ang naturang mga requirement base na rin sa Memorandum Circular No. 2018-197 ng Department of Interior ang Local Government.
Samantala, nitong January 3 ngayong taon, magugunitang pinirmahan at nagpalabas ng 1 year suspension order laban kay Mayor Parayno at Vice Mayor Jimmy Parayno si Executive Secretary Bersamin matapos mapatunayang liable ang dalawa sa naturang mga kaso nang tanggalin sa puwesto bilang Pangulo ng Liga ng mga Barangay si Punong Barangay Michael Brian Perez noong 2022, ang complainant sa kaso na naisampa sa Malakanyang.
Sinasabing walang hurisdiksyon ang mga Parayno na tanggalin si Perez bilang Liga ng mga Barangay President dahil ito ay trabaho ng Provincial Liga Office. (Boy Celario)