Advertisers
Inihain ni Rep. Khymer Adan Olaso ng Zamboanga City 1st district sa Kamara ang House Bill 11211 o ang Death Penalty for Corruption Act o panukalang patawan ng parusang kamatayan sa pamamagitan ng “firing squad” ang mga opisyal ng pamahalaan na mahahatulan ng Sandiganbayan sa mga kasong graft and corruption; malversation of public funds; at plunder.
Sa sandaling naging ganap na batas masasakop dito ang lahat ng public officials, mula sa Pangulo ng bansa hanggang sa mga opisyal ng mga barangay.
Gayundin ang iba pang mga nasa Ehekutibo, Lehislatura at Hudikatura; constitutional commissions; GOCCs; pati mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines o AFP at Philippine National Police o PNP.
Tinukoy sa panukala ang ilang safeguards, kung saan titiyakin ang “due process” at proteksyon, at ang mga hatol ay maaaring i-akyat sa Korte Suprema para maisalalim sa review, at papayagan ang mga akusado na gamitin ang anumang legal remedies na mayroon.
Punto sa explanatory note ng House Bill, ang kurapsyon ay nananatiling isa sa matinding banta sa social, economic at political development ng Pilipinas.
At sa kabila ng mga maraming batas, nagpapatuloy ang katiwalian, maling paggamit ng pondo, at pagtataksil sa tiwala ng publiko.
Kung maisasabatas umano ang House Bill, magiging malakas na mensahe ito ng Kongreso hinggil sa kahalagahan ng accountability, at ang kurapsyon ay hindi kinukunsinti.
Malinaw na ang panukalang pagbabalik ng death penalty ay bunsod ng matinding korapsiyong nakakapangyari sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr.
Tila sampal ito hindi lang sa liderato ni Bongbong Marcos kundi sa mga miyembro ng Kongreso at Senado kung saan desperado na ang mamamayang Pilipino sa GARAPALANG pagnanakaw sa kabang- yaman ng bansa.
Ang kinukuwestiyong 2025 budget ng bansa na sinasabing batbat ng katiwalian at direktang pang-uumit ng pera ng bayan ay umpisa pa lang ng bangungot na kakaharapin ng Pangulong Bongbong Marcos at mga buwayang kongresista at senador na kakutsaba ng Malacanang.
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com