Advertisers
HANDA na ang Pilipinas na makipag-usap sa International Criminal Court (ICC) sa gitna ng gumugulong nitong imbestigasyon sa war on drugs ng administrasyong Duterte.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na may ilang bahagi na kayang makipagtulungan ang Pilipinas sa ginagawang imbestigasyon ng ICC.
Sinabi pa ng kalihim na ang kooperasyon ng Pilipinas sa international tribunals ay pinapayagan sa ilalim ng batas ng Pilipinas lalo na at labas-pasok ang ICC representatives sa bansa.
Ibang usapin din aniya ang muling pagbabalik ng Pilipinas sa ICC na umalis ito noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Matatandaang sa pagharap ni Duterte sa pagdinig ng kongreso ukol sa war on drugs ay hinamon niya ang ICC na dapat bilisan na ang pag-iimbestiga kung saan inihayag naman ni Pangulong Ferdinand Marcos na hindi niya haharangin ang ICC kung bokal naman sa kalooban ni Duterte ang pag-iimbestiga sa kaniya.