Advertisers

Advertisers

MGA PULIS NA MAKIKISAWSAW SA POLITIKA, TUTUTUKAN NI PNP-IMEG ACTING DIRECOR PCOL BRITON

0 28

Advertisers

Magpapakalat ng red teams ang PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group na magmo-monitor sa aktibidad ng mga pulis ngayong papalapit ang eleksyon.

Ayon kay IMEG Acting Director PCol. Bonard Briton, tutukan nila ang mga pulis na makikisawsaw sa pulitika.

Ito’y bilang pagtalima sa direktiba ni PNP Chief PGen. Rommel Marbil na dapat ay maging non-partisan ang mga pulis.



Kasama sa kanilang imo-monitor ang mga pulis na hindi awtorisadong sumama sa lakad ng mga kandidato at nagbibigay ng security.

Gayundin ang mga pulis na nangangampanya.

Mahaharap ang mga pulis na makikisawsaw sa politika sa admin case na conduct unbecoming of a police officer.

Samantala sa layuning hindi maimpluwensyahan ang eleksyon 2025, magsasagawa ng re-assignment ang Philippine National Police o PNP sa mga pulis na may mga kamag-anak na kandidato sa eleksyon.

Ayon kay PNP Chief Marbil, ipatutupad nila ang balasahan sa pwesto para matiyak na mananatiling nonpartisan ang hanay ng Pambansang Pulisya.



Sa ngayon, wala pang bilang sa kung gaano karaming mga pulis ang may mga kamag-anak na tatakbo sa eleksyon.

Oras naman na maisapinal ito ay agad na gagawin ang kautusan upang agad na maitupad ilang buwan bago ang eleksyon 2025. (RONALD BULA)