Advertisers

Advertisers

“Kalinga sa Maynila Center proyektong galing sa sariling sikap, ‘di sa utang” – Mayor Honey

0 31

Advertisers

(mula sa kanan)SINA Congressman Irwin Tieng (5th district), Councilor Charry Ortega, Mayor Honey Lacuna, Councilor Bel Isip,Vice Mayor Yul Servo at City Engineer Moises Alcantara matapos lagdaan ang dokumento bago ang capsule-laying sa groundbreaking ng new Kalinga Center sa Manila. (JERRY S. TAN)

PROYEKTONG galing sa sariling sikap, hindi sa utang. Kalinga sa Maynila, tuloy-tuloy na.



Ganito inilarawan ni Mayor Honey Lacuna ang bago at modernong 10 palapag na ‘Kalinga sa Maynila Center,’ isang one-stop-shop center para sa pangunahing serbisyo ng City Hall kung saan pinangunahan niya ang groundbreaking sa Paco, Manila, kasama sina Vice Mayor Yul Servo at Congressman Irwin Tieng, na kanyang pinapurihan matapos mangako ng suporta sa nasabing proyekto sa paglalagay nito ng mga Ilaw at iba pa.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Lacuna na lahat ng serbisyong binibigay ng weekly at minsan ay bi-weekly ‘Kalinga sa Maynila’ ay makukuha na rin sa nasabing center.

Ang ‘Kalinga’ program ng alkalde ay nagpupunta sa mga barangays upang dalhin mismo sa komunidad ang lahat ng iba’t-ibang serbisyo na pinupuntahan sa City Hall.

Sa bawat forum, dala ni Lacuna ang lahat ng pinuno ng iba’t-ibang tanggapan, kawanihan at departamento upang tumugon sa lahat ng tanong, reklamo at kahilingan mula sa mga residente nang Hindi na kailangan pang magpunta ng City Hall .

Maliban dito, mayroon ding mga stalls na inilalagay ang bawat tanggapan para mag-entertain ng mga residente sa kung ano ang kanilang kailangan. Mayroon ding job fairs,bukod sa libreng pet vaccinations, provision at renewal ng IDs para sa senior citizens, solo parents at persons with disability sampu ng kanilang medikal na pangangilangan. Birth at death certificates, at iba pa



Nabatid na ang Kalinga sa Maynila Center ay may total project cost na ?973.3 million, kung saan ang Phase 1 ay nagkakahalaga ng ?400 million at ang Phase 2 naman ay nasa ?573.3 million, ang dalawa ay pinondohan mula sa city budget. Ang phase 1 ay target na matapos sa December 2025, habang ang bidding para sa Phase 2 ay naka-schedule sa February 2025.

“Ang tanong marahil ninyo ay bakit ngayon lang? Atin pong sininop muna ang pondo ng lungsod. Ang gusto ko po kasi, galing sa sariling sikap ang ang gagamiting panggastos at hindi ‘yung mangungutang pa. Pupuwede naman pala,” pagbibigay diin ng alkalde.

Inanunsyo din ng alkalde ang mga weekly ‘Kalinga’ services ng kanyang administrasyon na ibinibigay sa mga barangays ay ma-a-avail sa center sa araw-araw.

Makikita sa 10-storey building ang mga tanggapan ng Senior Citizens Affairs Office, Youth Center, Crisis Center for Women and Children, Trabaho center, modern public library, Bahay ng Barangayan Center at multipurpose convention center pati na ang performance art theatre.

Ang site ng center ay dating park para sa skaters dahil dito ay inanunsyo ni Lacuna na magtatayo din ng skate park Paraiso ng Batang Maynila across Manila Zoo, para mas marami ang ma- accomodate sa mas malaki at mas ligtas na lugar. (ANDI GARCIA)