Advertisers
Malamang todo ang panghihinayang ng Lakers sa na-draft nilang si Ivaca Zubac noong 2016. Mangyari ay na-trade nila si Zubac sa Clippers kapalit ni Mike Muscala noong 2019.
Kanilang seven footer at si Michael Beasly ipinagpalit nila noon para sa isang shooter
Naging pangunahing sentro si Ivaca sa karibal sa Los Angeles nina LeBron James. Samantala pinakawalan din pagkatapos ng season si Muscala. Sila walang naging steady presence sa ilalim bukod kay Anthony Davis na gustong laro naman ay power forward.
Hindi flashy nguni’t epektibo kasabay ang mga superstar na sina Kawhi Leonard at James Harden. Dati kasama pa nila sina Paul George at Russell Westbrook hanggang ngayon na umangat nq game ni Norman Powell pero matatag siya bilang 5 ng koponan.
May average ngayong taon ang 27 años na big man ng Clippers na 15 points, 12 rebounds at 2 assists sa loob ng 31 minutes. Career best na stats niya yan.
Decent numbers para sa isang manlalaro na sumusuweldo ng $11M kada taon. Mas maliit sa sahod ni Rui Hachimura na $17M at kapantay lang ng kontrata ni Gabe Vincent sa Lakers.
Naka-bargain talaga si team owner Steve Balmer kay IZ.
Nitong huling laban ng dalawang prangkisa sa L.A. ay nadaig pa niya si Davis.
Umiskor ng 21 at may 19 na rebound at 3 assist.
sa panalo nila. Si AD mayroon lang 16, 10 at 3.
Kung hindi binitawan ng Buss franchise si Ivaca ay may maasahan na silang pamalit kay Davis o kaya ay ka-tandem sa loob.
Espesyal na bisita natin sa OKS@DWBL noong ika-13 ng Enero si Cong Erin Tanada ng ML partylist.
Ang panauhin ng 11 taong programa ay naglalaro ng tennis noong kabataan. Ngayon running at walking ang kanyang exercise.
“Mahilig din ako manood ng basketball,” wika ng apo ni dating senador Lorenzo Tanada.
Sinubaybayan niya mga game ng UAAP at NBA. Enjoy din siya manood ng mga laro ng Gilas Pilipinas.
***
Sa ika-28 ng buwang kasalukuyan naman ang pambato ng Pinas sa jujitsu ang tampok sa ating programa sa radyo.
Ang 2024 silver medalist sa World Jujitsu Championships na si Kimberly Anne Custodio ang ating makakapanayam.
Sa Asia ay nakaginto naman si Custodio.
Sa Lunes tatanungin natin kung ano ang hinaharap ng kanyang martial art sa ating bansa.