Advertisers

Advertisers

Enchong nagpasilip ng ‘santol’

0 15

Advertisers

Ni Archie Liao

USAP-usapan ang kumalat na hubad na litrato ni Enchong Dee kung saan makikita siyang yakap ang kanyang pet na aso.

Ang nakakaloka ay takaw pansin ang kanyang pasantol na Iniintriga ng mga kapatid sa pananampalataya.



In fairness, may maipagmamalaki naman siya sa kanyang pabukol.

Ito ang reaksyon ng netizens sa kanyang pagdi-display ng pasantol sa nasabing photo na umaalagwa sa kanyang kulay lumot na brief.

Ito ang ilan sa mga reaksyon ng kibitzers sa nabanggit na pic.

“Mas lalo kong minahal si Enchong grabe! ????”

“enchong anu ba hahaha”



“Oras na para bumaba sa Santolan…”

“Nagutom ako.. at si Enchong ang cravings.. eme!!! ??????????????????????????”

“??????”

“Nag zoom ka noh? Hahaha”

Si Enchong ay huling napanood sa MMFF entry na “Topakk” na pinagbidahan ni Arjo Atayde.

***

Aktres, ini-stalk ang ex

FOR some time ay nagkaroon ng short-lived relation ang aktres na ito sa isang kilalang aktor.

Ito ay noong gumagawa pa sila ng serye together.

Kaso, ang aktor ay kilala sa pagiging wais at user-friendly.

Siya rin iyong tipong allergic kapag pinag-uusapan na ang marriage.

Wala rin kasi sa history ni guy na nagseryoso sa mga babae.

Dahil na-sense ni aktres na tila wala siyang kinabukasan sa aktor, nakipaghiwalay ito.

Nasa edad na rin kasi noon ang aktres na gusto na niyang magkapamilya at magkaanak.

Hindi man na-sensationalize ang kanilang break-up, hindi rin ganoon naging kaganda ang kanilang hiwalayan.

Gayunpaman, totoo yata ang kasabihang ‘time heals all wounds.’

After some years, muli raw nagkita sa isang event ang mag-ex.

Doon daw, na-rekindle ang love ni aktres sa ex na talaga naman sa isa sa mga nakarelasyon niyang ‘head over heels’ siya.

Muli rin daw nagpaasa sa kanya si aktor pero wala pa ring nangyari para maibalik ang kanilang dating sweet-sweetan.

Ang tsika, na-obsessed daw si aktres sa kanyang ex this time around.

Katunayan, may mga pagkakataon pa nga raw na umasa siya na magkakabalikan sila.

May tsika pang ini-stalk daw ni aktres ang kanyang ex sa social media.

Ito ay kahit na persistent ang rumor na nagkakamabutihan na diumano ang ex niya at ang isang girl na inili-link sa kanya.

Sino ang aktres na ito na ini-stalk ang ex niya sa social media?