Advertisers

Advertisers

DoJ makikipag-usap na sa ICC, at ang ‘riding in tadem’ sa opis ni SAP

0 2,475

Advertisers

ITO na!

Naubos na marahil ang pasensiya ng mabait na pangulo ng bansa, Bongbong Marcos Jr., sa mga Duterte at mga kaalyado nito dahil sa walang tigil na pagkakalat ng fake news ng mga ito laban sa administrasyon.

Oo! Kung noo’y hinaharang ni PBBM ang pagpasok sa bansa ng International Criminal Court (ICC), na nag-iimbestiga sa kasong ‘crimes ajainst humanity’ laban kay ex-President Rody “Digong” Duterte at sa ilang dating opisyal nito, ngayo’n ay inanunsyo ng Department of Justice (DoJ) na bubuksan na nila ang pinto para sa ICC. Araguy!!!



Nangyari ang desisyong ito kasunod ng pagpakalat ni Duterte na ang ipinasang budget para sa 2025 ay maraming pahina na may mga blangko, na pupunuin lamang daw kapag napirmahan na ni PBBM ang General Appripriations Act 2025.

Sinagot ni PBBM ang pahayag ni Digong na ito’y isang FAKE NEWS! Ang GAA, sabi ni PBBM, ay hindi lulusot sa bicamiral committee kung may mga blangko sa bawat pahina nito.

Ang nangyari kasi… ang kaalyado ni Digong na kongresista sa Davao City na si Ungab ay nagbigay ng kopya ng GAA 2025 kay Digong na marami ngang blangko, pero ito’y hindi pa pirmado ni Pres. Marcos Jr. dahil under review pa nga. Siguro sa gigil ni Digong na makabanat kay PBBM ay isiniwalat niya agad ito sa publiko nang hindi manlang tiningnang maige ang mga nakasulat dito.

Dahil sa ikinalat na fake news ni Digong na kinontra ng katotohanan, dumipensa ang dating spokesman at dating legal chief niya na si Atty. Sal Panelo. Ininterpret lang naman daw kasi ni Digong ang dokumentong ibinigay sa kanya ni Ungab. Hehehe…

Anyway, balikan natin ang pagbukas ng pinto ng gobyerno sa ICC, sa nangyaring ito ay malamang na madadale na si Digong ng ICC. Abangan!



***

Para sa mga kontraktor ng government projects: Maging mapanuri sa mga taong nagpapanggap na konektado sa Malakanyang at baka kayo naman ang mabiktima ng ‘riding in tamdem’ na ito.

Bagong pasabog ng administrasyon ang pagkakatanggal kay Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co. Maugong na hindi natuwa si PBBM sa mga sumbong ng contractors sa Bicol tungkol sa kanilang sinapit para makakuha ng government funded projects. Abot langit na raw kasi ang hinihingi… Ganun?

Isusunod na bang sibakin ang feeling malakas na ‘riding in tandem’ sa opisina ni SAP Anton? Etong si bosing “LM” at “SL” na kung magbenta raw ng proyekto ay parang kulang na lang sabihin ghost project ito. 40% na advance para daw sa bosing nila kapalit ng project.

Ang masaklap, ngayon 2025 na-zero sa project listing ang riding in tandem kasi nga alam na ang modus ng mga ungas. So… ang siste, nang-aagaw nalang ng existing projects sa DPWH Mindanao at kakausapin ang local politician sabay kunyaring tatawag kay SAP. Tsk tsk tsk…

Kawawa rin si SAP Anton, basang-basa ang papel sa mga tao na kung tutuusin wala manlang siyang kinalaman. Binulsa lang ng tao niya. Araguy!!!

Nakakarating naman ito sa Malakanyang…baka naman pwede niyo na isama sa quadcom ito? Ngayon palang ipa-lifestyle check niyo na para huli, tapos diretcho kulong!!!