Advertisers
Ni JIMI ESCALA
NAKATAKDANG mamaalam na ang character ni John Estrada sa top rating serye na “Batang Quiapo” ni Coco Martin
Ito ay ayon sa nakausap naming ABS-CBN insider. Ayon pa sa source ay may ilang taping days na lang daw si John at papatayin na ang papel ng aktor, huh!
May kinalaman marahil sa kotrobersiya involving John at ang batang aktres na si Barbie Imperial kaya magbababu na sa ‘FPJ’s Batang Quiapo’ ang magaling na aktor, huh!
Lumikha kasi ng malaking isyu ang tsikang pagiging malapit ni John sa co star niyang si Barbie kaya pati ang papel niya bilang Rigor sa hit series ng ABS-CBN na FPJ’s Batang Quiapo, ay wawakasan na.
Ang nasabing kontrobersya ay hindi lamang nakaapekto sa image ni John kundi nagdulot din umano ng negative effects sa reputasyon ng palabas, lalo na sa mga kabataang manonood at sa mga magulang ng mga ito, huh!
Kahit na itinanggi ni John ang naturang isyu, still hindi raw maaalis yun sa mga tagasubaybay ng “Batang Quiapo” na sa tuwing lumalabas ang aktor sa serye ay naalala nila ang involvement ng aktor sa young aktres, huh!
***
SAMANTALA, maaring
naapektuhan ng nabanggit na kontrobersya ang appeal ng Batang Quiapo lalo na sa mga magulang na hindi sang-ayon sa umano’y mga kinikilos nina John at Barbie sa taping, huh!
Dagdag pa na maaring na pressure na rin ang mga namamahala ng “Batang Quiapo” sa mga komento ng televiewers na kung saan maaring nangangamba ukol sa impluwensiya ng palabas sa kabataang idolo ang mga karakter nito.
Sa ipinakitang pinakabagong teaser ng Batang Quiapo, napanood na malapit nang matapos ang character ni John bilang Rigor.
Halatang papatayin ni Tanggol na ginagampanan ni Coco Martin, si Rigor matapos malaman na hindi pala siya ang tunay niyang ama.
Nang tanungin tungkol sa pag-exit ni John, banggit ng source na sinusunod lang daw ang story line, huh!
“Bahagi ito ng storyline. Napag-usapan na ito nina John at Coco at tanggap naman ito ni John,” sey pa nito.
Well, abangan na lang natin dahil marami pang kaabang abang na mangyayari sa number one primetime show na “Batang Quiapo”, huh!
Ngayon pa lang ay marami nang umaalma na tagahanga ni John huh!