Advertisers

Advertisers

3 miembro ng KFR hinatulan ng kulong habambuhay

0 17

Advertisers

HINATULAN ng ‘reclusion perpetua’ ng Quezon City Regional Trial Court ang tatlong miyembro ng kidnap for ransom group (KFR).

Kaugnay ito sa mahigit 12 taon paghahanap ng hustisya ng negosyanteng si Sally Vergara Chua laban sa mga salarin.

Ayon sa korte, “guilty beyond reasonable doubt” sa kasong kidnapping sina Ramil Macamay, Riccente, Padillo at Rodante Cabaylo.



Sa desisyon na ito, aabot sa 20 hanggang 40 taon na pagkakakulong “with no possibility of parole” ang magiging parusa sa tatlo.