Advertisers

Advertisers

Kulang na kulang ang titser at classrooms sa mga isla, pati gamit sa ospital wala

0 3,600

Advertisers

TALIWAS sa mga ulat ng Department of Education at Higher Education na napakarami na nilang napagawang classrooms, sobra-sobra na raw, ito’y isang FAKE NEWS!

Oo! Sa aking paglilibot sa isang isla sa Romblon, ang Carabao Island o San Jose, natuklasan ko ang grabeng problema sa classrooms at teachers, pati ang kanilang district hospital walang kagamitan, walang duktor, at ang ambulance palaging sira dahil narin sa kalumaan.

Hirap na hirap talaga ang mga nasa islang ito kapag nagkasakit, ultimo ang mga manganganak kailangan pang itawid-dagat para dalhin sa ibang opistal, sa Tablas island o sa Aklan.



Ang mga classroom, masyado nang pinaglumaan ng panahon, kawawa ang mga estudyante kapag summer, mainit!

Mayroong senior at agricultural schools sa isla pero ilang rooms lang, masikip para sa lomolobong bilang ng mga mag-aaral. At hindi pa komportable ang mga estudyante dahil nga sa maliliit ang classrooms. Mas komportable pang mag-klase sa ilalim ng mga puno. Mismo!

Kaya isinulat ko ito para maipamukha sa pamunuan ng DepEd at CHED na ang mga ipinangangalandakan nilang over ang kanilang napagawang classrooms ay isang malaking KASINUNGALINGAN!

Saan kaya dinadala ng DepEd at CHED ang napakalaking pondo para sa mga pagpapagawa ng eskuelahan?

President Bongbong Marcos, ipa-double check n’yo kaya ang mga iniuulat ng DepEd at CHED na pinagawa nilang eskuelahan kung totoo? Now na!



Dumako naman tayo sa usapang kalusuhan, nagrereklamo ang mga taga-isla ng San Jose dahil sa napakasamang kondisyon ng district ospital sa kanilang bayan.

Tinagurian daw na ospital, wala namang duktor, walang gamit at higit sa lahat walang mga gamot. Araguy!!!

Paano naman kasi ang provincial government under Governor Otik Riano ay napaka-inutil pagdating sa health services. Siguro dahil wala silang kita sa ospital kaya nakapukos sila sa mga infrastracture kuno na kungsaan limpak limpak ang kickbacks! Mismo!

Ang isa pang napakalaking problema sa isla ay TUBIG! Mayroong source pero walang ideya kung paano ito ayusin para makarating sa mga bahay-bahay. Oh maaring naisip narin nila ang solusyon dito, ayaw lang ipatupad. Ewan!

Ang advise ko, mga pare’t mare, palitan na ang mga namumuno sa darating na eleksyon, Mayo 12. Dahil hangga’t ang mga incumbent parin ang mahahalal, siguradong walang pagbabago o pag-uunlad sa isla katulad ng San Jose o Isla de Carabao. Mismo!