Advertisers
Ni Beth Gelena
TODO ang kilig ni Judy Ann Santos nang purihin siya ng famous international Chef na si Gordon Ramsay sa kanyang halo-halo.
The famous Chef, known for his no-nonsense and no-holds-barred commentaries on food preparations by other chefs in “Hell’s Kitchen,” is now in the Philippines.
Ang isa sa activities ng multi-Michelin-starred Chef Gordon ay ang magpa sample ng food prepared by chefs, kung saan isa sa mga chef na naroroon ay ang aktres na si Juday.
Nagustuhan ng popular international celebrity Chef Gordon ang version ni Juday sa kanyang halo-halo.
Sa video ay makikitang umiikot si Chef Ramsay sa mga Pinoy chef na nagpeprepare ng gawa nilang food.
Ang ginawa ng aktres ay isang halo-halo na Pinoy style na trinay tikman ng international chef.
Agad nitong nagustuhan at pinuri ang ginawa ni Juday.
Ani Ramsay, “Beautiful. Describe it for me please,” Chef Gordon observed. “Chef I have for you a black sesame Halo-halo with some Nata De Coco, It’s like coconut juice that’s fermented and I used coconut milk and evaporated milk for the ice some leche flan and some cubes of cheese in there as well,” deklara ni Chef Juday.
After tasting it, the multi-Michelin-starred international chef praised Juday’s Halo-halo, saying “it’s really good.” “It’s good. It’s really good. I love the black sesame. Thank you,” Chef Gordon said.
Halos maglulundag sa tuwa ang aktres sa papuring natanggap mula kay Chef Gordon.
Agad na pinost niya sa kanyang IG account ang kasiyahang nadarama.
Wika ng aktres, “Wow… Sa paanong paraan ko ba pwedeng maikwento ang araw ko today? Nakakaloka? Nakakabaliw? Napaka surreal!!! Never in my wildest dreams that this would happen in my lifetime…ilang beses kong kinukurot yung sarili ko…totoo ba to? Pero totoo e!!! Gusto kong tumambling sabay split!!! Simpleng halo halo lang naman, that we have to finish building in 10 mins but that was the fastest, nerve wrecking 10 minutes of my life! But it was the best. Hindi ko alam what i did to deserve this..but i am so grateful for the experience. Thank you from the bottom of my heart to everyone involved in this wonderful experience. Pinaghandaan ko talaga to ng todo. Mabuhay at ipaglalaban ko ang pagkaing Pilipino!”
Ay, wish namin Juday na matikman ang gawa mong halo halo.
***
MARIS NIREPOST ANG KOMENTO NG NETIZEN SA BAGO NIYANG KANTA
SHINARE ni Maris Racal ang post ng netizen ukol sa bago niyang kanta.
Kamakailan lang ay nirelease na ang bagong kanta ng singer/actress, titled Perpektong Tao along with its video.
Nirepost ni Maris ang sinabi ng netizen.
Ang caption ng netizen, “sometimes, the most difficult chapters in one’s life make the best stories.”
Ibinahagi rin niya ang snippet ng music video of Perpektong Tao, along with a caption that summarizes what the song meant to her.
Dagdag pa ng netizen, “Chaos, mistakes, and lessons – every mess can turn into art.”
Hindi na nagsulat pa man ng anumang caption ang singer/actress sa kanyang repost, suggesting that it might be possible she liked what the netizen said.
***
DOMINSUE HINDi MAPAGKUNWARI
HINDI na tinatago nina Dominic Roque at Sue Ramirez ang tunay nilang relasyon.
Hindi naman kontra ang netizens sa celebrity couple na pareho namang hindi committed sa isa’t isa.
May fans na rin silang tagapagtanggol, ang DominSue.
“Perfect sana may forever sa Dominsue”
Though, ang iba ay hindi tanggap ang kanilang relasyon.
“Kasama nila ang nag video at nag pic. Style ng mga artista bulok!”
“pait. wala kang ka holding hands ano.sila ba nagupload? nakikinuod ka na nga lang eh.lol” “Maging maligaya ka na lang baks. Tama na maging mapait”
“The point is seen kunwari holding hands pero sadyang may inuutusan mag video. Gets nyo? Kung hindi bahala na kayo dyan lol”
“Weird comment. Sounds like Dao Ming su from Meteor Garden and that character is a legend!”