Advertisers

Advertisers

SINO SI HEIDI MENDOZA?

0 117

Advertisers

HINDI kilala si Heidi Mendoza dahil hindi pulitiko o artista o celebrity ang kandidato sa Senado sa Mayo 9. Hindi siya kabilang sa alinman sa abot sa 200 pamilyang pulitikal na kasalukuyang namamayagpag sa ating pulitika. Isa siyang propesyonal na may natatanging kasanayan na babagay sa trabaho sa Senado.

Isa siyang certified public accountant (CPA) na may kaukulang kasanayan upang tuklasin ang mga katiwalian sa pamahalaan at kahit na sa pribadong sektor. Nagsimula bilang auditing aide sa sariling sikap. Hindi siya humingi ng political accommodation kahit kaninong pulitiko at umangat sa trabaho bilang commissioner ng Commission on Audit (CoA).

Mahigit 20 taon ang kanyang karanasan sa gobyerno sa larangan ng audit, investigation, at fraud examination. Kilala siya sa adbokasiya ng anticorruption and integrity. May natatangi siyang karanasan sa public policy, procurement and process management, project monitoring and evaluation, at governance. Kailangan natin ang kakayahan ni Heidi upang matuklasan ang mga katiwalian sa gobyerno at mabigyan ng karampatang lunas.



Kung ihahambing sa ibang kandidato, ano ang itutumbas ng mga artistang at celebrity tulad ni Bong Revilla, Willie Revillame, at Philip Salvador? Ano ang iaalay na uri ng serbisyo ng mga kabilang sa political dynasty tulad ni Camille Villar, Abby Binay, at Pia Cayetano? Ano ang gagawin ng mga kasapi ng InC at KoJC tulad ni Rodente Marcoleta at Apollo Quibuloy? Ano ang ibibigay ng balimbing at kampi sa China tulad ni Francis Tolentino?

Hindi mamamatay tao si Heidi Mendoza tulad ni Bato dela Rosa. Hindi bagman si Heidi tulad ni Bong Go. Walang pangahas si Heidi upang pumagitna bilang kandidato kundi ang uri ng kanyang kasanayan at karanasan sa gobyerno. Walang nagbibigay ng pondo sa kanya mula sa malaking negosyoe oisinusukang relihiyon. Wala siyang pangahas undi ang kanyang karanasan sa larangan ng auditing, lakas ng loob, at integridad. Hindi mabibili si Heidi Mendoza kahit ninuman hindi tulad ng ibang kandidato ng kandidato ng China, ni Gongdi, mga palpak na relihiyon, at malaking negosyo.

***

AKALA namin kakaiba ang tapang at tikas ni P/Col. Hector Grijaldo sa pakikidigma. Lumabas ang totoong kulay ni Grijaldo sa ika-labing apat na pagdinig ng Quad Co,, ang supercommittee na binuo ng Camara de Representante upang siyasatin ang mga EJKs, illegal na POGO, shabu smuggling, at iba pang isyu. Pinaliguan ni Grijaldo ang mga kasapi ng komite ng sagot na “I invoke my right against self-incrimination.”

Tulad ng kung sinong pulis, hindi matapang at buo ang loob ni Grijaldo. Harapan pinagsalitaan si Grijaldo ng mga kasapi ng komite tulad ni Surigao del Norte Kin. Robert Ace Barbers, presiding officer, at kahit na si Quezon Kin. Jayjay Suarez na matapang lang siya sa Senado dahil may kakampi siya doon sa katauhan ni Sen. Bato dela Rosa. Dumating sa punto na hinamon ng mga kongresista si Bato na humarap sa komite.



Hindi namin alam kung haharap si Bato at ibibigay ang kanyang panig sa super committee. Hindi siya naiiba sa mga pulis na matapang lang dahil may sukbit na baril sa beywang. Sa katotohanan, urong ang yagbols at takot sa anuman komprontasyon.

***

POST ko ito sa aking social media account, halos siyam na taon na nakalipas.

LET THE PEOPLE DECIDE

This is probably the most asinine argument on every issue that grips the nation. When a certain issue becomes problematic and controversial, the knee-jerk response is: Let’s bring this issue to the people. Let the people decide, in brief.

Proponents of this argument probably do not understand that ours is representative democracy. We elect people to decide for us.

Elected and even appointed officials are given the mandate to uphold public interest. This let-the-people decide argument reflects a seeming lack of conviction and confidence on how representative democracy works.

If this is given impetus on every controversial issue, the entire population would have nothing to do but decide on critical issues that require their action. Ours would be a problematic country because it could hardly move anymore since it has to tackle and decide on every critical and controversial issue.

Proponents of this argument, whether a retired Supreme Court chief justice or an incumbent associate Supreme Court justice, appeared too indolent to bring arguments without resorting to this fallacy. Raising this argumentum ad populum is quite convenient for them.

But the bigger question is how to pursue it. Granting that we could bring the issue to the people, the question is how to do it.

Shall we bring every critical or controversial issue to a referendum, or plebiscite, or election, or even an opinion poll? Shall we allow a presidential candidate to run even if she or he blatantly lacks the qualifications and violates the rules which even the Constitution has explicitly said? If this is the case, of what use are those rules and provisions in the Constitution?

In our inability to settle a controversial issue, we can’t just take refuge in this silly argument. Ours is still a representative democracy. We have to learn to give our trust and confidence to the people we have elected and to appointive officials tasked to provide public service.