Advertisers

Advertisers

Mga prediksyon ngayong 2025… Julia at Gerald maghihiwalay; Barbie ikakasal kay Richard

0 41

Advertisers

Ni Archie Liao

WALANG takot na nagbigay ng forecast ang isang manghuhula at tarot card reader sa posibleng mangyari sa taong ito.

Aniya, posible raw maghiwalay sina Julia Barretto at Gerald Anderson.



Bagama’t okey daw naman ang pasok ng 2025 kay Ge pagdating sa karera, magkakaroon daw naman ito ng problema sa pakikipagrelasyon.

Magkakaroon din daw ng pagdududa si Julia sa kanyang partner.

Sa kaso naman ni Joshua Garcia, mai-involve raw ito sa isang taong may karelasyon.

Feeling pa niya, naguguluhan daw ang isip nito sa kasalukuyan.

Vibes pa niya, ‘hiwalay’ na nga raw ito sa kanyang dyowa at puputok ang balita sa susunod na taon.



Happy daw naman si Angelica Panganiban sa kanyang buhay may-asawa at kung babalik man ito sa limelight ay sa 2026 pa.

Tungkol naman sa Olympic gold medalist na si Carlos Yulo, magkakaroon daw ito ng problema pagdating sa pananalapi.

Ikababahala raw nito ang laging paglalabas ng pera pero wala namang kapalit na pumapasok.

Nakikita pa niyang sunud-sunuran lang daw ito sa kagustuhan ng kanyang nobya.

Pagdating naman kay Barbie Imperial, masaya raw ang lovelife nito sa taong nagpapasaya sa kanya.

Posible rin daw na ikasal ito ngayong taon lalo na’t naiisyu ito kay Richard Gutierrez.

Sa kaso naman ni Arjo Atayde, posible raw naman na masangkot ito sa isang isyung pulitikal.

Gayunpaman, hindi raw niya nakikita na mabubuntis na si Maine Mendoza sa Year of the Wooden Snake.

Posible rin daw manalo ng acting award si Arjo samantalang ang kanyang kabiyak ay magpapatuloy lang ang karera.

May posibilidad daw namang humantong sa paghihiwalay ang relasyon nina Elisse Joson at McCoy de Leon.

Posible raw ma-fall out of love si Elisse sa partner samantalang si McCoy ay may tsansang maapektuhan ang career dahil sa emotional rollercoaster na pagdadaanan.

***
Ternocon 2025 aarangkada na

SA fashion aficionados, abangers na sila kung sino ang mananalo ng prestihiyosong Pacita Longos Award sa darating na Ternocon 2025.

Ang pinakahihintay na event ng taon na magtatanghal ng mga henyong fashion designers ng ternong Pinoy ay gaganapin ang awarding ceremony sa Enero 26, 2025 sa Philippine International Convention Center.

Inorganisa ng Cultural Center of the Philippines (CCP) sa pakikipagtulungan ng BENCH, ang kumpetisyon ay magtatampok din ng isang fashion show kung saan masisilayan ang mga makabagong disensyo ng terno kasama ang mga tradisyonal na panuelo, balintawak na may alampay at tapis at ang gamit ng kimona na naging bahagi na ng pambansang kasuotan ng mga Pinoy.

Ang labindalawang finalist na nagtutunggali sa nasabing patimpalak ay kinatatampukan ng fashion designers mula sa iba’t ibang bahagi ng kapuluan na kinakatawan nina Bryan Peralta (Makati City), Patrick Lazol (Tarlac), Windell Madis (Ilocos Norte), Jared Servano (South Cotabato), Peach Garde (Capiz), Geom Hernandez (Batangas), Ram Silva (Iloilo), Jema Gamer (La Union), Irene Subang, (Negros Occidental), Nina Gatan (Quezon City), Koko Gonzales (Mandaluyong City), at Lexter Badana (Capiz).

Ang Ternocon 2025 ay suportado ng Barasoain Kalinangan Foundation Inc., the Baguio Country Club, St. Louis University Baguio, Seda Hotel BGC, at Sycip Gorres Velayo & Co. (SGV) bilang official tabulator simula pa noong 2018.