Advertisers
Ni Jimi C. Escala
MASINSINAN na pinag uusapan daw nang husto ng celebrity couple Luis Manzano at Jessy Mendiola ang tungkol sa pagpasok ng una sa pulitika.
Ayon kay Luis nang makausap namin thru phone ay tumagal daw ng ilang oras ang naturang pag uusap nila ng asawang si Jessy.
Medyo nagkaiyakan pa raw silang mag asawa at talagang isa isa nilang hinimay ang advantages at disadvantages ng pagiging public servant.
Alam nilang pareho na hindi ganun kadaling magserbisyo sa publiko lalo na sa pagiging bise gobernador ng Batangas na tinatakbuhan ngayon ni Luis.
Ani pa ng premyadong TV host na kung ilang beses na raw noon siyang kinumbinsi pero lahat daw ay tinanggihan niya.
Showbiz career at ang pagbuo ng sariling pamilya ang kinakatwiran noon ni Luis plus hindi pa raw siya handa ng mga panahon na yun, huh!
Pero ngayong natimbang na niya ang lahat kasama ang pagpayag ng asawang si Jessy ay decided na raw siyang sumabak sa mundo ng pulitika.
Siyempre, may mga isinantabi raw si Luis sa naging desisyon niyang maging public servant.
“Well siguro maiintindihan naman ng mga fans ko na hindi na muna ako tumanggap ng mga hosting jobs.
“Siyempre kailangan kong mangampanya dahil hindi naman basta basta ang mga makakatapat ko.
” And if ever palarin need ko ring mag aral para sa kailangang kaalaman sa pagiging bise gobernador,” lahad pa ng premyadong TV host.
Natawa pang binanggit ni Luis na habang nasa pulitika siya ay ang asawang si Jessy muna ang magpapaka bisi sa showbiz, huh!
Hindi rin naman ganun kadali para kay Luis na tuluyan nang pumalaot sa pulitika. Kamuntik na nga raw na hindi sang ayon si Jessy sa desisyon niya pero kalaunan daw ay mismong ang misis na ang nagtulak sa kanya na sundan ang yapak ng inang si Gov. Vilma Santos at ng tito niyang si Sec. Ralph Recto.
Kaya nga raw basta may oras ay halos lahat ng pag iikot ni Luis sa Batangas ay ka join ang asawang si Jessy, huh!
Si Luis ang running mate ng inang si Vilma. Si Ate Vi ang muling nagbabalik bilang Batangas governor at si Luis naman ang Vice Governor, huh!
***
PINAG- uusapan sa isang umpukan ng mga taga showbiz ang matagal nang walang balita about Jake Zyrus, huh!
Mukhang wala na raw balita sa singing career at personal life ni Jake. Kaya nagtatanong mga fans niya kung ano na ang latest kay Jake.
Sabi nga ng ilang fans, miss na miss na nilang mapanood on stage ang international singer.
Ayon naman sa veteran showbiz columnist at host na si Nanay Cristy Fermin may nagparating sa kanya ng kuwento tungkol sa naging kalagayan ni Jake habang nasa Amerika.
May katotohanan kaya ang isyung kumakalat tungkol sa buhay at career ngayon ng singer-songwriter na si Jake Zyrus?
Balita raw kasi na dumaraan ngayon sa isang matinding pagsubok si Jake. Kaya nga raw mukhang nasa depresyon daw ngayon si Jake, huh!
Unang nakilala si Charice Pempengco sa music industry here and abroad bilang ang biriterang ang kilala na rin naman ngayong si Jake Zyrus, huh!
Kung anumang matinding pinagdaraanan ngayon ni Jake Zyrus, well, malalaman din naman natin yun.
Pero sa ngayon ipagdasal na lang nating malampasan ni Jake ang problema niyang dala ngayon, huh!