Advertisers

Advertisers

FIRING SQUAD SA KORAP!

0 23

Advertisers

ISINULONG sa Kamara ang isang panukala para sa paggawad ng parusang kamatayan sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno.

Sa inihain niyang House Bill No. 11211 — ang Death Penalty for Corruption Act — nais ni Zamboanga City 1st District Rep. Kymer Olaso na ang parusang kamatayan ay sa pamamagitan ng firing squad.

Sakop ng panukala ang pangulo ng bansa hanggang sa pinakamababang opi-syal ng barangay.



Kasama rin ang mga nasa Lehislatura at Hudikatura, Constitutional commissions, government owned and controlled corporations at mga kasapi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Pahayag ng mambabatas, inihain niya ang panukala para patunayan na hindi kinukunsinti ang mga tiwaling opisyal sa bansa.

Pagpapatunay aniya ito na pinahahalagahan sa Pilipinas ang integridad ng mga nagsisilbi sa gobyerno at ang mga pinagkakatiwalaan ng pondo ng bayan.

Binawi ang paggagawad ng parusang kamatayan sa pamamagitan ng lethal injection noong 2006.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">