Advertisers

Advertisers

3 paslit todas sa bundol ng truck

0 14

Advertisers

Patay ang tatlong batang babae na naglalakad patungo sa paaralan nang mabundol ng isang truck mula sa likuran sa isang bahagi ng highway sa Barangay Cayaga sa San Fernando, Bukidnon nitong Martes, January 21, 2025.

Sa pahayag ng mga opisyal ng Bukidnon Provincial Police Office at ng Police Regional Office-10 nitong Miyerkules, unang iniwan ng driver ng truck, si Reynaldo Algame Camaso, ang tatlong biktima ngunit umuko din ito kalaunan sa San Fernando Municipal Police Station.

Kinumpirma ni Major Christian Serdeña, police chief ng San Fernando, na nasa kustodiya na nila si Camaso at ang Mitsubishi Fuso truck na nakabundol sa tatlong mga mag-aaral na nagsanhi sa kanilang agarang pagkamatay.



Patungo sa Cayaga Elementary School ang mga biktima ng mabangga ng truck na minamaneho ni Camaso na nakabuntot sa kanila.

Ayon kay Serdeña, ilang mga saksi na nag-ulat sa mga imbestigador at barangay officials na nagresponde sa insidente na mabilis ang takbo ng truck ng sila ay mahagip nito habang naglalakad sa highway sa Purok 2B sa Barangay Cayaga, patungo sana sa kanilang paaralan.

Ayon kay Serdeña, pinaabot na nila sa may-ari na truck na tulungan ang mga pamilya ng tatlong nasawing mga bata sa pagpapalibing sa kanila.