Advertisers
Sugatan ang 31-anyos na ginang na isang school registrar nang manlaban sa isang lalaking nagtangkang gumahasa sa kanya sa loob ng kanyang bahay sa San Isidro Subdivision, Barangay Gulang-Gulang, Lucena City noong Linggo ng tanghali.
Ayon sa imbestigasyon ng Lucena City Police, natutulog ang biktima sa loob ng kanilang bahay 12:00 nang magising siya at makita ang suspek na nakaupo sa tabi niya at wala ng pang-ibabang kasuotan.
Nang tangkain ng suspek na gahasain ang biktima ay nagpambuno ang dalawa.
Nagbunot ng kutsilyo ang suspek at sinubukang saksakin ang biktima na nagdulot ng sugat sa kanyang kanang palad.
Sinakal pa ng suspek ang biktima gamit ang kumot.