Advertisers

Advertisers

PBBM kay ex-Pres. Digong: “Sinungaling siya, sinungaling!”

0 4,662

Advertisers

NAGNGINGITNGIT na si Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr. sa pagkakalat ng mga kasinungalingan ni dating Pangulo Rody Duterte laban sa kanya.

Nitong Lunes, tahasan nang sinabi ni PBBM na si Digong ay ubod ng sinungaling! nang ipagkalat ng huli na ang 2025 national budget ay ipinasa ng Kongreso na may mga blank item na pupunuin nalang sa bandang huli.

Sa ngitngit ni Bongbong, na dati’y hindi pinapatulan ang mga kagagohan ni Digong, tahasan na niyang sinabi na ang dating pangulo ay ubod ng sinungalingan, nagkakalat ng fake news hinggil sa P6.236 trillion national budget para sa taon na ito.



“He’s lying. He’s a President. He knows that you cannot pass a GAA with a blank. He’s lying. And he’s lying because he knows perfectly well that that doesn’t ever happen,” diin ni PBBM sa Malacañang reporters sa launching ng Tesla Center Philippines sa Taguig City.

Paglilinaw ni PBBM, ang General Appropriations Act (GAA) ay hinding hindi maipapasa na may mga blank line item o appropriation na sa huli nalang pupunuin.

“Sa buong, sa kasaysayan ng buong Pilipinas, hindi pinapayagan na magkaroon ng item ang GAA na hindi nakalagay kung ano yung project, at saka ano yung, yung gastos, ano yung pondo. So, it’s a lie,” diin ni Marcos.

Nitong weekend ipinagkakalat ni Digong at kanyang kaalyado na si Davao City 3rd District Representative Isidro Ungab na mayroong mga missing budget amounts para sa items sa ilalim ng Department of Agriculture (DA) at unprogrammed appropriations sa bicameral conference committee report sa 2025 national budget.

Sa panayam ng SMNI, sinabi ni Ungab na ang mga blangko ay hindi maikokonsiderang typographical, grammatical o printing error.



Bilang sagot naman sa ipinagkakalat ni Ungab, sinabi ni Digong na ang 2025 GAA ay invalid legislation kung ito ay ipinasa ng Kongreso na may mga naiwang blangko na pupunuin nalang sa huli.

Nagbabala pa si Digong na ang sinumang nag-tamper ng budget ay mahaharap sa criminal liability ng “falsification of the law.”

Nitong Lunes ng umaga, binatikos ni Executive Secretary Lucas Bersamin si Digong sa kanyang malisyoso at criminal claims at sinabing ang Kongreso at ang Department of Budget and Management ay masusing nirebyu ang lahat ng 4,057 pages ng GAA bilang “pre-enactment check” para matiyak na walang discrepancies sa halagang nararapat.

“The peddling of such fake news is outrightly malicious and should be condemned as criminal… It is impossible for any funding items to be left blank, as alleged by misinformed and malicious sources,” dagdag ni Bersamin, “The former President and his cohorts should know better that the GAA could not contain blank items.”

Sinabi ng Executive Secretary, isang retiradong Chief Justice ng Korte Siprema, na makapagsasagawa ang publiko ng masusing examination sa 2025 GAA, na naka-upload sa DBM website.

“Meron namang kopya, that’s available on the website of the DBM. Tingnan nyo, huwag na ninyo busisiin isa isa. Hanapin niyo yung sinasabi nila na blank check. Tignan nyo kung meron kahit isa. Para mapatunayan na tama ang sinasabi kong kasinungalingan yan, That’s my reaction,” diin PBBM.

Nagmukhang tanga rito sina Ungab at Digong. Hehehe…