Advertisers

Advertisers

NAHULI NA

0 16

Advertisers

IKINATUWA ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang pagkakahuli sa isang alias “Onang,” isang ‘high-ranking member’ ng New People’s Army (NPA) na isa din regional top most wanted criminal ng Philippine National Police (PNP) sa Bicol.

Si Onang ay nadakip sa isang joint operation sa San Fernando, Masbate, na itinuturing na isang makabuluhang tagumpay ng pamahalaan laban sa mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.

Sabi nga ni NTF-ELCAC Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr. ang pagkakahuli kay Onang ay tanda na di natitinag ang pamahalaan sa mga panggugulo at mga naghahasik ng krimen sa bansa, at kalaunan ay mauuwi rin sa pagkakahuli ng mga nanggugulo sa ating katahimikan at kaayusan.



Dagdag pa ni Torres, si
“Onang” ay isa rin sa mga suspek na pumaslang sa footballer na si Keith Absalon at ang kanyang pinsan na Nolven in 2021.

Ang dalawa ay biktima ng pagsabog ng isang landmine na pinatay pa nang tuluyan ng mga NPA kabilang na si Onang sa Masbate.

Apat na taon ang dumaan at natapos ang pagtatago ni Onang nang maisilbi sa kanya ang ‘warrant of arrest’ na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) 5th Judicial Region, Branch ng Masbate City laban sa kanya.

Nahaharap sa patong-patong na kasong itong si “Onang”, kabilang na ang paglabag sa International Humanitarian Law and Other Crimes Against Humanity (RA 9851), sa Criminal Case Nos. 21293 and 21294 at may piyansang P200,000.00 kada kaso.

Subalit mayroon din siyang two counts ng murder cases, Criminal Case Nos. 21295 at 21296, na walang inirerekumindang piyansa, at isa pang attempted murder case.



Pinapurihan din ng ating kaibigang si Usec.Torres ang walang sawang pagsisikap ng PNP at ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagkakadakip sa pesteng si Onang.

Atin naman din pinapurihan sina Usec. Torres at lahat ng bumubuo ng NTF-ELCACkasama na ang PNP at AFP dahil sa kanilang oagsisikap na mapabuti ang kalagayan ng bayan at sa panghuhuli ng mga pesteng miyembro ng CPP-NPA-NDF.

Pasasaan ba ang pagsisikap na ito, kung di para mapatakbo ng maayos ang bansa nang walang nanggugulo sa ating kaayusan at katahimikan ng ating lipunan.