Advertisers

Advertisers

KathDen nalungkot… Daniel ‘di pa rin pala sinusukuan si Kathryn

0 56

Advertisers

Ni Rommel Placente

MAY pinagmanahan. Ito na lamang ang nasabi ng mga fans ni Daniel Padilla matapos mapanood ang 2 episodes ng seryeng Incognito sa netflix. Bagay daw ang pagiging action star ng aktor tulad ng kanyang tyuhin na si Robin Padilla.

Marami din ang humanga sa ganda ng nasabing serye, kaya naman hindi nakakapagtaka na top 1 ito sa Netflix ngayon.



Unang sabak din ito ni Daniel sa isang serye kung saan wala siyang ka-love team matapos ang break up nila ni Kathryn Bernardo.

And speaking of Kathryn, maraming KathDen o Kathryn- Alden Richards ang nalungkot sa binalita ng showbiz columnist na si Cristy Fermin. May nag-chika raw kasi sa kanya na ilang araw na umanong nagpupunta si Daniel Padilla sa subdivision kung saan nakatira ang ex-girlfriend niyang si Kathryn.

Hindi pa raw sinusukuan ni Daniel si Kathryn at hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang panunuyo nito.

Matatandaan na sa Christmas Special ng ABS-CBN last year.ay may mga balitang lumabas kung saan pinuntahan ni Daniel si Kathryn sa dressing room nito para makapag-usap at may dala-dala pa umano itong bulaklak.

Marami naman ang hindi naniwala dahil wala namang resibo ang naipakita, meaning to say walang picture na lumabas na pumunta nga si Daniel sa dressing room ng dating minamahal..



Kung nagbubunyi ang mga KathNiel fans ay nag-aalala naman ang mga KathDen dahil ayaw na nilang bumalik si Kathryn kay Daniel.

Ayon naman sa ating source, mukhang malabo pa raw sa ngayon ang balikan ng dalawa, dahil naka-move on na raw si Kathryn.

Kumakapit naman ang kanyang mga fans sa sinabi nito noong nandoon siya sa clinic ni Doktora Ivy na may clarity na ang kanyang love life at ang iniisip ng mga faney ay masaya na ito sa bago niyang love life at umaasa sila na si Alden iyon.

***

SA YouTube channel ni Ogie Alcasid, pinag-usapan nila ng misis na si Regine Velasquez ang naging journey nila sa loob ng 14 taong pagsasama bilang mag-asawa.

Simulang pagbabahagi ng Asia’s Songbird, “How wonderful it is to be married to someone that is your best friend, who has the same interest as you.”

“Kasi di ba, ‘yung mga romance eventually that will fade. It will fade and you are left with really just being good friends and companionship, you’re left with that.

“So it’s wonderful to be with someone who is your best friend also.”

Kasunod nito, natanong ni Regine si Ogie kung happy ba ito sa 14 years nilang pagsasama as married couple.

Sagot ni Ogie, “I view happy as a very temporary feeling, so being happy is like momentary. But I think what I experience and feel being with you for 14 years is joy.

“I equate that with joy because joy is spiritual. It’s not only, oh I’m happy, I’m ecstatic at the fact that we’re married. No, I am extremely thankful, grateful, and that is a joyous feeling that I feel here (in my heart),” aniya pa.

Sa tanong kay Ogie kung paano nila napapanatili ang init at excitement sa kanilang relasyon sa loon ng mahigit isang dekada, “Hindi ko alam ang real formula.

“Alam mo, feeling ko it’s the little things that you do for each other that adds up. When you are selfless about things, your spouse will notice that,” sey pa ni Ogie.