Advertisers

Advertisers

City Ad Bernie Ang, OCA’s staff, pinuri at pinasalamatan ni Mayor Honey sa tagumpay ng kanyang pamamahala

0 21

Advertisers

PINURI at pinasalamatan ni Manila Mayor Honey Lacuna si City Administrator Bernie Ang sampu ng lahat ng kalalakihan at kababaihang nagtatrabaho sa Office of the City Administrator (OCA) dahil sa kanilang papel sa tagumpay ng kanyang pamamahala.

Sinabi ni Lacuna na sa tulong ni Ang, lahat ng programang inilatag ng pamahalaang lokal ay naisakatuparan at naging matagumpay.

“Ang ating City Administrator ang siyang naniniguro na lahat ng gawaing panglungsod ay natutupad nang mabilis at maayos,” sabi ng lady mayor.



Binanggit ni Lacuna na bilang extension ng kanyang tanggapan ay mino- monitor ng OCA ang galaw at tinitimon ang lahat ng mga departmento, kawanihan at tanggapan sa pagtupad ng kanilang tungkulin nang buong-buo at episyente para matamo ang adhikain ng administrasyon tungo sa ‘Magnificent Manila.’

“Napakabigat kung tutuusin ang responsibilidad ng Office of the City Administrator dahil kinakailangan na mapagalaw nila hindi lamang ang iba’t-ibang departamento sa pamahalaang-lungsod upang maparating ang tunay at tapat na paglilingkod sa ating mga kababayan,” dagdag ni Lacuna.

“Sila ang ating katuwang sa lahat ng ganapin at proseso patungkol sa imahe ng Maynila kaya naman lubos ang ating pasasalamat sa OCAD sa pamumuno ni dating Konsehal at ngayon ay City Administrator Bernardito C. Ang,” pahayag ng alkalde.

Ayon kay assistant administrator Joy Dawis, ang OCA ay nakatutok sa pagtulong sa alkalde sa pagpapakita ng maayos at epektibong pamamahalang lokal na tinitiyak na ang lahat ng units ay nagtatrabaho sa lahat ng oras.

Sinabi ni Dawis na OCA sa ilalim ni Ang, ay nagsisilbi din bilang head o subhead ng iba’t-ibang committees, councils, task force at Technical Working Groups tulad ng Local Finance Committee, Market Committee, Manila Anti-Drug Abuse Council, Manila Peace and Order Council, Local Promotion Board, Solid Waste Management Board , DRRMO Council at iba pa.



“Ang aming tanggapan ay namuno sa pangkat ng mga Kawani na masinop at nagsikap madokumento ang mga nagawa at tagumpay ng pamahalang-lungsod upang makamtan ang ating pinakamimithing Seal of Good Local Governance, gayundin upang magawaran tayo ng iba’t-ibang parangal, local man o international,” pahayag ni Dawis. (ANDI GARCIA)