Advertisers

Advertisers

Walang ‘masturbation’ sa CES – Sen. Hontiveros

0 11

Advertisers

UMALMA si Senadora Risa Hontiveros sa naging komento ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. hinggil sa nilalaman ng panukalang Prevention of Adolescent Pregnancy Act of 2023.

Kaugnay nito, tiniyak ni Hontiveros, pangunahing may-akda ng Senate Bill (SB) No. 1979 kay Pangulong Marcos na wala siyang dapat ikabahala tungkol sa nasabing panukala.

Sinabi ni Hontiveros na maliwanag aniya na wala sa panukala ang salitang “masturbation” at “try different sexualities”.



“Mr. President, with all due respect, maliwanag na wala po sa bill kahit yung salita na “masturbation.”

Wala rin po yung “try different sexualities,” paliwanag ni Hontiveros sa isang pahayag.

Depensa ng senadora, nakasaad sa Comprehensive Sexuality Education na naglalaman ito ng pagtuturo sa mga bata ukol sa anatomy sa mga kabataan at kahihinatnan ng maagang pagbubuntis.

Matatandaang inihayag ni Marcos na ibi-veto niya ang nabanggit na panukala makaraang magulat at madismaya sa kanyang nabasa sa ilang bahagi nito. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">