Advertisers
KLASIKONG pagtatapos ito para kay Vladimir Lait na nagkampeon sa ìdinaos na Don Tomas Mapua Centennial Chess Cup- GM Eugene Torre Rapid Tournament na ginanap sa Mapua Gymnasium sa Muralla Street, Intramuros, Manila kamakalawa.
Si Lait, isang Grade 12 student ng Mapua University ay nakakuha ng perpektong 7.0 puntos upang matanggap ang champion purse na P10,000 para sa unang pwesto.
Umiskor ng mga panalo ang Pasig City pride na si Lait laban kina Kyla Marie Vallesfin, Gian Ztdric Sucao, Allan Anthony Alvarez, Rodel Bobila, Alexsis Enrico Jacinto, Christian Arroyo at Glenn Midel Delos Santos, ayon sa pagkakasunod.
“I am very happy with my victory,”sambit ng soft-spoken na si Lait, na nagwagi ng Rookie of the Year award sa NCAA Season 100 o sa 2024–25 season ng National Collegiate Athletic Association chess team tournament.
Sina Arroyo at Arjoe Loanzon ay tuampos sa torneo ng similar 6.0 points; habang sina Delos Santos, John Paolo Gaspar Medina, Austin Jay Tablan, Daniel Mondares at George Quinto ay may identical 5.5 points.
Pasok sina Bobila at Jacinto sa top 10 na may tig 5.0 points.
Nasilayan sa rapid division ang 100 woodpushers.
Sa blitz category, nagwagi si Von Arvie Barbosa ng Taytay, Rizal na may 8.0 points sa siyam na outings. Nakuha nina Mark Tupas, Christian Roche Thompson at Marlon Montoya, kapwa may 7.5 puntos, ang ikalawa, ikatlo at ikaapat na puwesto. (Danny Simon)