Advertisers

Advertisers

TAGA-PAGPANATILI NG KAUNLARAN

0 11

Advertisers

BARANGAY Development Program o’ BDP ang panabla ng pamahalaan sa mga propaganda ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.

Ito ang gamit ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF ELCAC) noong 2021 pa nang itatag ang task force.

Sa pamamagitan ng BDP naibibigay sa ating mga kababayang nasa malalayong lugar o barangay na dati’y pinipeste ng mga CPP-NPA-NDF.



Napapanatili nito noon pa ang katahimikan sa mga lugar kong nabanggit at nabibigyang daan pa ang kaunlaran.

Paano ka niyo? Ang konsepto ng BDP ay maging ‘flagship initiative’ o’ pangunahing galaw ng NTF ELCAC noon pang 2021. Naibibigay nito ang mga kinakailangang mga imprastraktura ng mga malalayong barangay.

Kasagutan ito sa mga kahilingan ng mga residente nito, na siya namang sinasamantala noon ng CPP-NPA-NDF at ginagamit pa sa kanilang propaganda na sanhi ng kanilang pagrerebelde para maakit din ang mga taga-roon na sumama at sumuporta sa kanila.

Nang maibigay ang mga imprastrakturang kanilang mga kinakailangan, gaya ng mga kalsada o’ farm yo market road’, klinika para sa kanilang mga kalusugan, o’ silid paaralan man lang, nagbago ang paningin ng mga residente doon sa pamahalaan at itinanggi na ang kanilang suporta sa CPP-NPA-NDF.

Lalo pang nagpadagdag sa kanilang pagtalikod sa samahan ng mga komunistang-teroristang, nag-alay pa ang pamahalaan ng Amnesty Program and Enhanced Comprehensive Local Integration Program o’ E-CLIP na tinatawag.



Inaalalayan nito ang sino mang susukong CPP-NPA-NDF upang makabalik sa tamang lipunan na gagalawan.

Sa mga panablang ito ng pamahalaan ang dating 89 na Guerilla Fronts ng NPA noon pang 2019 ay ‘Zero’ na noong 2024.

Kaya nga ang pakiusap ni Undersecretary Enesto Torres Jr., Executive Director ng NTF-ELCAC, kung may natitira pang CPP-NPA-NDF ay mabuti pang sumuko na lamang at magbalik loob na sa pamahalaan, para magtuloy-tuloy na ang kaunalaran sa ating mga kanayunan.