Advertisers
Ni Jimi Escala
ISA sa matunog na tatakbong kunsehala sa district one sa Tondo, Manila ay ang social media personality at negosyante na si Rosemarie Tan Pamulaklakin o Rosmar.
Ilang days after filing her candidacy ay panay ang ikot ni Rosmar sa Tondo pero lately ay hindi na siya visible particularly sa district kung saan siya tatakbo.
Matatandaang last election ay sa Sampaloc area tumakbo and luz valdez bilang kunsehala pa rin si Rosmar.
Tatakbong independent si Rosmar na naging matunog ang pangalan months ago pero sana sa actual filing period sa March ay isa sa anim na pumasok sa survey si Rosmar, huh!
Mas pinagkaabalahan pa yata ni Rosmar ang pag iikot sa Bulacan at sa iba pang lugar kaysa Tondo kung saan marami ang naghahanap sa kanya, huh!
Pero ang latest dalawang buwang buntis ang negosyante, huh!
At kailangan daw niya munang magpahinga kahit nasa maayos siyang kalagayan pati na ang baby sa kanyang sinapupunan.
Nag spotting kasi si Rosmar kamakailan lang at itinakbo sa emergency room ng ospital, huh!
“Regarding sa post ko na nagpunta ako sa ER. Nagulat ako na nagtrending na naman. Di lang siguro clear ang post ko kaya namisinterprent na naman ng iba,” saad ni Rosmar sa post niya.
“Mismong ospital ang nagsabi na pwede lang magpa-ultrasound kung magpapa ER ako,” dagdag pa niya.
Ayon pa rin kay Rosmar, siya raw mismo ang nag request na magpa ultra sound
“Kaya ako nag pa ultrasound nung araw na un dahil may ‘spotting’ ako at buntis ako. Kahit sino naman sigurong nanay o buntis kung may spotting dederetso agad ng ER at gusto makita kung safe ang baby sa tyan at kakabahan lalo na kung 1st trimester and that day ko lang din nakita na may baby na at may heartbeat na,” banggit pa rin niya.
Sa isa pang post ni Rosmar ay ipinakita niya ang resulta ng ultrasound sa kaniya na nasa maayos na kondisyon ang anak nila ng asawang si Jerome Pamulaklakin.
“I Love you baby bunso. Buti nalang malakas si mommy at di para magpaapekto sa mga taong malulungkot ang buhay. Bubuo tayo ng masaya at kumpletong pamilya,” lahad pa rin ni Rosmar.
***
STILL on politics, matunog pa rin ang labanang Isko Moreno at Honey Lacuna, huh!
Ang problema sa basura sa buong Maynila ang isyu ngayon sa dalawang mahigpit na magkalaban.
Sa nakaangat sa mga surveys na si Yorme Moreno isinisi ni Mayora Honey ang naging problema ngayon na basura sa Maynila..
Pero ayon pa rin sa kampo ni Yorme bakit after two years nang nakaupo sa City Hall si Mayor Lacuna ay idinawit pa raw nito si Yorme sa problema sa basura, huh!
Pero sa totoo lang, dahil sa basura, na sinasabing naging basurero ang isang Isko Moreno ang naging daan ng dating mayor sa showbiz at napasok sa mundo ng pulitika, huh!
Hindi kaya dahil din sa problema sa basura ay maibalik muli ang Manila City Hall kay Isko Moreno, huh!