Advertisers

Advertisers

Richard ‘what you see is what you get’ sa romansa kay Barbie

0 23

Advertisers

Ni Archie Liao

NOONG magkahiwalay sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, maraming nagmamaldita na ang itinuturong dahilan ay ang Kapamilya actress na si Barbie Imperial.

Sighted kasi sila sa ilang events kaya naman nagkaroon ng haka-haka na may nabuo nang romansa sa kanila.



Sa panayam naman ni Ogie Diaz sa kanyang vlog, natanong siya tungkol sa estado ng relasyon nila ni Barbie.

Tulad ng ibang artista, ‘what you see is what you get’ ang kanyang tinuran.

Katunayan, nagpaliwanag siya at ipinagtanggol niya si Barbie.

Nilinaw niya na nang dumating si Barbie sa buhay niya ay hiwalay na sila ni Sarah kaya hindi masasabing third party si Tisay.

“‘Doon muna tayo sa what you see is what you get sa amin ni Barbie. Ang gusto ko lang sigurong i-clarify doon sa mga tao, si Barbie walang kinalaman sa paghihiwalay namin ni Sarah. Hindi siya third party, hindi siya nag-overlap,” sey ni Richard. “Nakilala ko si Barbie, matagal na kaming nagkahiwalay ng landas ni Sarah .Si Barbie kasi totoong tao. What you see is what you get talaga rin sa kanya. Mabuting tao, maalaga. Nakikita mo na genuine ‘yung intentions niya. Genuine ‘yung pagkatao niya.”



Hirit pa niya, gusto rin daw niyang magtira ng konti sa kanyang privacy kung ano man ang pinagsasaluhan nila ng aktres.

Tungkol naman sa bashers niya, dedma na lang ang kanyang attitude.

Aminado naman kasi siyang noong kabataan niya ay maigsi ang kanyang pisi.

Pero marami raw siyang natutunan sa kanyang amang si Eddie Gutierrez.

Ito raw ang nagmulat sa kanya na dapat ay maging magiliw siya sa pakikitungo sa mga fan dahil utang niya sa mga ito ang kanyang kasikatan.

Kaya naman natanim daw ang aral na ito ng ama sa kanya na siya namang ginagamit niyang tool in dealing with his fans.

Hindi rin niya ikinaila minsan ay nawiwindang siya sa grabeng bashings sa social media.

Isa na raw dito ay noong binansagan silang “The Cheaters” ng mga pa-savage sa male cast ng kanilang seryeng “Incognito.”