Advertisers

Advertisers

Marcos-Lopez mamamayagpag sa May 2025 polls sa Maynila

0 51

Advertisers

Magkaagapay na nakiisa sina ๐’๐ž๐ง. ๐ˆ๐ฆ๐ž๐ž ๐Œ๐š๐ซ๐œ๐จ๐ฌ at dating Manila 1st District Cong. Manny Lopez, na tumatayong ‘Hermano Mayor’ sa ๐ญ๐š๐ฎ๐ง๐š๐ง๐  pagdiriwang ng ๐‹๐š๐ค๐›๐š๐ฒ๐š๐ฐ sa ๐i๐ฌ๐ญ๐š ๐ง๐  ๐’๐ญ๐จ. ๐๐ข๐ง๐จ ๐ƒ๐ž ๐“๐จ๐ง๐๐จ.



Dama ang mainit na pagpapasalamat ng mga residente ng Tondo kina Marcos at Lopez na kabilang sa nagbigay ng suporta upang maging matagumpay ang pagdiriwang ng Lakbayaw.

Hindi makamayaw ang hiyawan ng mga tao nang makitang magkasama sina Marcos at Lopez.

Sa mga naging galaw ng mga taga Tondo napagtanto ng marami na sadyang ang dalawang angkang Marcos-Lopez, ay ‘di kayang tibangin sa lungsod ng Tondo.

Abot ang tuwa ni Cong. Manny, sa isinisigaw ng mga Tondonians, na muli nila itong iluluklok sa lungsod ng Maynila bilang Congressman ng unang distrito upang ituloy nito ang mga nasimulang magagandang proyekto partikular na sa mga senior citizen.

Sabi ni Lopez, sa panahon na maraming problema ang Maynila, pinagsasama-sama ng Sto. Nino ang mga Manileรฑo at sabay-sabay ang mga ito na humihingi ng gabay sa Diyos.

Nagpahayag naman ng buong suporta si Senatorial candidate Imee Marcos sa kandidatura ni Lopez at ganoon din si Manny kay Imee.

Samantala, ibinaba ni Sen. Imee ang kanyang ‘nutri-jeep’ para mamahagi ng pagkain at tubig para sa mga deboto ng Sto. Niรฑo sa Tondo at sa Pandacan, Manila.

Dalangin nila Marcos at Lopez ang patuloy na pagkakaisa ng mga Pilipino lalo pa at maraming pagsubok ang nararanasan ng bansa.