Advertisers

Advertisers

Kailangan pa bang ipa-disbar si Digong?

0 3,792

Advertisers

NAGSAMPA ng disbarment case laban kay ex-President Rody “Digong” Duterte ang mga pamilya ng mga biktima ng extrajudicial killings.

Ayaw anilang marinig pa sa korte ang kabastusan ni Digong, na ugali na ang pagmumura at pagka-pilosopo.

Pero sa ganang akin, kailangan pa bang ipa-disbar o tanggalan ng lisensiya sa pagka-abogado si Digong eh hindi narin ito nagpa-practice ng law at mahina sa batas?



Bagama’t si Digong ay dating piskal sa Davao City bago napasok sa politika nang i-appoint ni late President Cory Aquino, hindi na siya nakapa-practice pa ng law dahil nababad na siya sa politika. Sa madali’t salita purol na ang utak ni Digong sa mga batas sa Pilipinas. Yes!

Sa 45 years ni Digong bilang abogado, wala siyang naipanalong kaso.

Sa kanyang 9 years bilang prosecutor o piskal, lahat ng kanyang kaso ay binasura ng korte.

Nang maging Congressman siya, wala siyang nagawang magandang bills sa Pilipinas.

Nang maging pangulo ng bansa si Digong, puros problema ang iniwan niya sa kanyang successor, ibinaon sa utang ang Pilipinas, nagkalat ang mga iligal ng POGO at Chinese, namayagpag ang Chinese drug lords, at hindi naparusahan ang mga tulisan niyang mga kaibigan at kaalyado.



At sa kanyang edad ngayon na mag-80 anyos, na nag-uulyanin at sakitin, hindi na kailangan pa siyang ipa-disbar.

Oo! useless na ang lisensiya ni Digong sa pagka-abogado. Unang-una, hindi oobra sa korte ang style n’ya na magmura, masisigawan siya ng Judge . Kaya makabubuti na huwag nang pag-aksayahan pa ng panahon ang pagpa-disbar sa kanya. Waste of time lang. Kahit tanggalan mo ng lisensiya yan, hindi mo na maalis sa kanyang katawan ang magmura at magyabang, dyan siya hinangaan at naging presidente eh. Hehehe…

Kaya hayaan nalang si Digong sa kanyang kayabangan, matatapos din yan. Tandaan: Walang forever sa power. Mismo!

***

May mga nagkakalat ng impormasyon na ang pambansang utang ngayon ng Pilipinas na P15.8 trillion ay gawa lamang ni President “Bongbong” Marcos, Jr.

Ang totoo nyan, mga pare’t mare, ang iniwan na utang ng Duterte administration kay Marcos Jr. ay P12.72 trillion. Sa madali’t salita P3 trillion palang ang nautang ng Marcos govt.

Sa termino ni Duterte (2016 – 2022), nakautang sila ng P7.2 trillion, kumpara sa kanyang pinalitan na si late ex-Pres. Noynoy Aquino na nakautang lang ng P1.3 trillion.

Sa mga figure na ito, malinaw pa sa bolang kristal ni Juan na si Duterte ang nagbaon sa utang Sa Pilipinas. Palakpakan ang mga DDS!!!

***

Wala na raw oras ang mga kongresista para sa impeachment laban kay Vice President Sara Duterte-Carpio.

Iilan nalang daw kasi sa mga kongresista ang pumapasok dahil abala na sa pangangampanya para sa May 12 midterm election. Oo nga!

Kung ganun, nasayang lang ang mga pinaghirapan ng House Quad Committee na mapalabas ang katotohanan sa mga maling paglustay ni VP Sara sa intelligence funds ng Office of the Vice President at Department of Education na umabot sa P612.5 million mula sa huling buwan ng 2022 hanggang 2023.

Anyway, ang mga nabunyag na katiwaliang ito ay isinampa narin sa Department of Justice. Subaybayan!