Advertisers

Advertisers

IT TAKES TOO LONG ANG TULONG NG GOBYERNO!

0 18

Advertisers

Suportado umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang nakatakdang pagdeklara ng Department of Agriculture (DA) ng Food Security Emergency on rice sa bansa.

Sa panayam kay Pang. Marcos sa Leyte, kanyang sinang-ayunan ang nasabing rekomendasyon ng national price coordinating council (NPCC).

Sa isang ambush interview sa Leyte, sinabi ng Pangulo na hinihintay na lamang na pormal na matanggap ng dept. of agriculture ang rekomendasyon sa susunod na linggo.



Paliwanag ng Pangulo, gagawin ang hakbang na ito para gumana nang tama ang merkado sa presyuhan ng bigas.

Aniya sa kabila ng mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan hindi pa rin bumababa ang presyo ng bigas.

Dagdag pa nito hindi aniya nakasusunod sa law of supply and demand ang merkado.

Kaya kinakailangan na aniyang pwersahan na maibaba ang presyo ng bigas at tiyaking gumagana nang maayos ang presyuhan sa mga palengke.

Dagdag pa ng Punong Ehekutibo may iba aniya na iligal ang pagtataas ng presyo kaya iniimbestigahan ito ngayon ng Kamara.



Sa wakas bulgar nang inamin ni Marcos Jr. ang kapalpakan ng kanyang administrasyon na nagdudulot ng ibayong kahirapan sa mamamayang Pilipino.

Pagkagutom at paggapang sa matinding kahirapan ang una sa pangunahing reklamo ng sekta ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa malawakang nationwide peace rally na inilarga ng grupo nitong nagdaang araw ng Lunes.

Isa ang food security at pagpapababa sa presyo ng bigas sa mga campaign promises ni BBM noong 2022 presidential elections na napatunayan ng maraming Pilipino na isang uri lamang ng pambubudol at pagpapaikot/panloloko sa mga botanteng tinarantado.

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com