Advertisers

Advertisers

Hawks pinahirapan ang Celtics sa OT

0 5

Advertisers

KUMAMADA si Trae Young ng 28 points upang tulungan ang bisitang Atlanta Hawks na dugtungan ang kanilang winning streak sa three games sa pamamagitan ng pagtibag sa Boston Celtics 119-115 sa overtime Sabado ng gabi sa TD Garden.

Dyson Daniels nagdagdag ng 23 points para sa Hawks, na nagwagi sa kabila ng malas sa shooting 9-for-37 mula sa 3-point range at nakagawa ng 18 turnovers. Atlanta ay nakatanggap ng 19 points at 13 rebounds mula kay Onyeka Okongwu at 14 points at 13 rebounds mula kay Jalen Johnson.

Young, Johnson at De’Andre Hunter umiskor ng tig-16 points sa kanilang pagbalik matapos mawala dahil sa injuries.



Boston ay naghahabol ng tatlo sa overtime ng magmintis ang 3-point attempt ni Jayson Tatum sa 6.6 seconds sa laro. Tatum ay nagtala ng 23 points,eight rebounds at seven assists sa pinsala.

Jaylen Brown pinamunuan ang Boston sa iniskor na 24 points pero nagpatuloy sa 9-for-27 mula sa floor. White nagdagdag ng 21 points at eight rebounds.

Ang Celtics ay may 3-4 rekord sa kanilang nakaraang seven games over all at nabigo ng lima sa kanilang nakaraang nine games at home.

Ang Boston ay naglaro na walang big men Kristaps Porzingis at Al Horford, na nawawala simula maglaro ang Celtics sa kanilang second game sa kasing daming gabi.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">