Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
NAGLABAS na nga ng statement ang Manila International Film Festival na kanselado na ang kanilang event na magaganap sana nitong January 30 hanggang February 2 due to the devastating wildfires in Southern California at iaanunsiyo na lamang daw ang panibagong date.
Marami naman ang sumang-ayon sa desisyon na ito ng MIFF dahil pagpapakita lamang ito ng pagdamay sa mga naging biktima ng nasabing wildfires.
Bago naman mangyari ang trahedya, excited pa sanang makadalo ang aktor na si Ruru Madrid kasama ang Best Actor na si Dennis Trillo at mga producer ng Green Bones, na sa Jan. 29 sana sila aalis.
Una nang nabanggit ni Ruru na excited siya dahil maipapalabas sa LA ang movie nila ni Dennis at mapapanood ng mga kababayan natin. Ito rin aniya ay first time niya dapat sa Amerika, pero hindi na nga matutuloy.
***
RAMDAM na ramdam daw ni BB Gandanghari o dating si Rustom Padilla ang pagmamahal sa kanya ng nakababatang kapatid na si Senator Robin Padilla.
Kung noon daw ay hindi pa totally maunawaan ng kapatid ang nangyaring transition kay Rustom na naging si BB Gandanghari paglaon naman daw ay natanggap na rin siya nito.
Sa interview ni Boy Abunda sa dating aktor kung dati raw ay brothers ang turingan nila, feel na feel daw ni BB ang pagiging sister lalo na sa mga pagkakataong magkakasama silang lumalabas ay parang tunay na girlalu na raw ang trato sa kanya ni Sen. Robin.
Tulad na lamang ng pagpapauna sa kanya sa pila kasabay ng pagsasabi ng, “Ladies first.”
Naalala rin daw niya ang pagpapasuot sa kanya ni Robin ng hijab nang magpunta sila sa isang mosque sa Taiwan.
Nire-recognize niya lahat ng iyon. “He’s treating me as a sister now more than a brother. And then also, dahil iba na ‘yung personality, tinatrato niya ‘ko bilang mas batang kapatid,” sey pa ni BB.
Pag -alala pa niya, talagang hindi tanggap ni Robin ang nangyaring transition sa kanya mula sa pagiging lalaki patungo sa pagiging transgender woman. Talagang ayaw daw siyang makita noon ng kapatid.
Pero kalaunan ay nagbago rin ang pagtingin ni Robin sa kanyang bagong pagkatao dahil din sa kanilang inang si Eva Cariño na may matinding karamdaman ngayon.
Sa Amerika na nakabase si BB pero nasa bansa ito para makasama ang kanilang ina.