Konsi Bong Marzan, mabilis na rumesponde sa mga nasunugan
Advertisers
MABILIS na rumesponde sa mga nasunugan kamakailan sa dalawang magkahiwalay na barangay sa Sampaloc si Asenso Manileño candidate for Councilor sa District IV Konsi Bong Marzan.

Agad na namahagi ng bag of goods sa mga naapektuhan ng sunog si Marzan na kasalukuyang Director ng Liga ng mga Barangay at Chairman ng Brgy. 497.
Maliban sa ipinamahaging bag of goods sa mahigit na 300 pamilyang biktima ng sunog ay nag-feeding program din si Marzan sa lugar na pinangyarihan ng sunog.
Tinatayang nasa 300 pamilya ang naapektuhan sa Brgy. 458 sa ilalim ni Brgy. Chairman Roberto Florez habang 25 na pamilya naman ang naapektuhan sa Brgy. 569 sa ilalim ni Glenda Corpuz.
Samantala ay dumalo rin si Marzan kasama ang kapwa Asenso Manileño party mate na si Doktora Diane Nieto sa isinagawang ‘Ugnayan’ sa Brgy. 515 sa ilalim ni Chairman Norberto delos Reyes.
Nauna rito at dinaluhan din ni Marzan ang kauna-unahang ‘Ugnayan’ sa taong 2025 kasama sina Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor Yul Servo at mga kandidato sa pagka-Konsehal sa Distrito Kuwatro.
Ginanap ang unang pag-arangkada ng ‘Ugnayan’ noong Martes, Jan. 14 sa Nazareth Covered Court kung saan mahigit isang libong head of the families mula sa Brgy.418 ang dumalo.
Head of the families din na mahigit isang libo ang bilang mula sa Brgy. 558 at Brgy. 559 ang kasama sa ‘Ugnayan’ na ginanap sa Galas Covered Court nitong Sabado kung saan si Marzan ang isa sa tagapagsalita na nagpaliwanag at nagbigay linaw sa ilang mahahalagang usapin.
Ang lahat ng mga dumalo sa ‘Ugnayan’ ay binigyan ng P1000 at tatlong kilong bigas bawat isa. (ANDI GARCIA)