Advertisers

Advertisers

‘Ugnayan’ ni Mayor Honey, VM Yul kasama si Konsi Bong Marzan umarangkada na sa Dist. IV

0 24

Advertisers

NAGING matagumpay ang unang pag-arangkada ng ‘Ugnayan’ nina Manila Mayor Honey Lacuna , Vice Mayor Yul Servo at team ng Asenso Maniileño kasama ang mga candidate for Councilor sa ika-apat na Distrito ng Maynila na kinabibilangan ni Konsi Bong Marzan at ng mga head of the families o ‘haligi ng tahanan’ at ‘ilaw ng tahanan’.

Ang ‘Ugnayan’ ayon kay Marzan na Dierektor din ng Liga ng mga Barangay ay isang regular na pagtitipon kung saan bumababa si Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team sa bawat barangay upang personal na alamin at pakinggan ang hinaing, saloobin at pangangailangan ng bawat isang Manileño.

Sinabi pa ni Marzan na Chairman din ng Brgy. 497 na ang ‘Ugnayan’ ay isa ring venue kung saan personal na ipinaaabot ng alkalde ang mga tamang impormasyon kaugnay ng isang usapin o isyu upang malaman ng mga Manileño kung ano ang totoo at hindi matangay at mapaniwala ng mga fake news na sadyang ikinakalat ng ilang grupo ng mga tao para lumikha ng kaguluhan at kalituhan.



Ayon kay Marzan, ang nasabing ‘Ugnayan’ na ginanap kamakailan sa Nazareth Covered Court kasama ang mga head of the families ng Brgy 418 na nasa 1,088 ang kabuuang bilang na hinati sa dalawang batch ay napag-usapan ang isyu tungkol sa basura kung saan ipinaliwanag ng alkalde ang mga pananabotahe ng ilan sa sitwasyon, gayundin ang pagkakaroon na nga dalawang bagong garbage collector sa Maynila at ang ikinakalat ng ilang sa utang daw na kalahating bilyong Piso ng pamahalaang lokal sa dating contractor ng basura.

Sinabi pa ni Marzan na nagpaliwanag at sinagot din ang iba’t-ibang katanungan ng mga head of the families sa ‘Ugnayan’ na isa rin sa pinag-usapan at binigyang linaw ay ang housing program ng pamahalaang lungsod.

Napag-alaman na halos lahat ng mga dumalong head of the families ay gustong magkaroon ng sariling bahay na matatawag nilang sa kanila.

Sinabi ni Marzan na base sa paliwanag ng alkalde, ay inatasan na nito ang kanyang partner na si VM Yul na baguhin ang polisiya pagdating sa housing program.

Napag-alaman na ang ang sistema sa housing program noong nakaraang administrasyon ay forever rent ang mga nakatira sa unit at walang tsansa na maging pag-aari nila ito. Sa bagong policy ng housing program ng alkalde, ‘rent to own’ ang sistemang paiiralin kung saan kapag nabayaran na ng ‘assignee’ ang kabuuang halaga ng condi unit ay kanya na ito.



Ipinaliwanag din ni Marzan sa mga head of the families na ang mga housing program o projects ni Mayor Honey ay bukas para sa lahat ng Manileño basta kwalipikado sa mga itinakdang requirements.

Ang lahat ng mga head of the families na dumalo sa ‘Ugnayan’ ay binigyan ng P1000 at tatlong kilong bigas bawat isa.

Kamakailan ay pinasinayaan na nina Lacuna, Servo, 5th District Cong. Irwin Tieng at 3rd District Cong. Joel Chua at mga Konsehal ang dalawa sa vertical Housing program ng lungsod na kinabibilangan ng Pedro Gil Residences at San Sebastian Residences.

Ang dalawang gusali na parehong may 20 palapag ay nagtataglay ng 299 residential units para sa Pedro Gil at 243 naman para sa San Sebastian. May mga elevator units, swimming pool, activity and outdoor area, function room, admin office at roof deck ang dalawang condominium building kung saan nabatid pa na P2000 hanggang P3000 ang buwanang bayad.

Kasunod ng inagurasyon ng dalawang gusaling condo units ay inaward na din sa mga empleyado ng iba’t-ibang departamento ng City Hall ang kanilang symbolical keys at certificate sa kani-kanilang mga units. Ang mga kawani ng City Hall na na-award-an ng condo units ay napili sa pamamagitan ng public draw. (ANDI GARCIA)