Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
TULOY ang hakbang ni Senator Robin Padilla sa pagsulong ng pagiging legal ng medical cannabis at upang mabago ang paniniwala ng publiko tungkol sa cannabis o marijuana at sa gamit nito?
“Ganito ko siya ikinukuwento sa mga kapwa natin senador, I talk to them, evidence-based and scientific-based.
“That’s why I went to Israel, I went to Prague, I went to interview, I want to see with my own eyes how they do it.
“The difference between the batch that makes you high and the batch that is medical, it’s really far!
“Kasi po yung recreational kung saan-saan lang po talaga iyon tumutubo, kahit ibato mo lang yung buto niyan, tutubo.
“Iyon po yung recreational.
”Pero makikita po natin yung difference ng medical cannabis talagang pharmaceutical grade talagang malinis.
“Talagang, kumbaga inaalagaan po nila yung health talaga ng tao.
“So ganoon ko po siya binebenta. Talagang dinidirekta ko na po ang mga taong bayan na alam niyo po nahuhuli na po tayo.
“Huling-huli na po tayo. Kulelat na nga po tayo.
“Hindi ko maintindihan bakit ang Pilipino bakit gusto natin laging kulelat tayo?
“Nauuna tayo biglang … ito ang sakit nating Pinoy e, kasi masyado tayong, magaling talaga tayo.
“Nauuna tayo sa lahat ng bagay, pati sa Republika, una tayo sa Asia. Pero hindi tayo natututo sa pagkakamali natin.
“Iyong mga ibang bayan na nanonood sa atin, yung mga kapitbahay natin, ‘O nauna na yung Pilipino, pag-aralan nga natin.’
“Sila natututo sa ating pagkakamali pero tayo, hindi tayo natuto.
“So ganun din sa marijuana, ganun din sa cannabis, andami nating dapat nang ginawa.
“Alam niyo po ba yung hemp? Na iyan pong hemp na sinasabi nila, na ang Australia, ang Japan, nagtatanim na sila ng hemp!
“Tayo bawal pa rin!
“Alam niyo po yung hemp iyan po yung pinagkukunan ng CBD (cannabidiol) oil, na iyan po sa Japan, pag nagpunta po kayo anlalaki ng five fingers, pag nagpunta kayo sa Japan, kung saan- saan nga sa paligid sa Japan kasi makakabili na sila ng CBD oil nang hindi ka hinuhuli.
“E dito po sa Pilipinas, kulong ka! CBD oil lang.
“Iyon po yung mga ganung bagay na paatras tayo, mga kababayan ko.
“Simple lang naman po ang gagawin kong pagbenta sa inyo ng medical cannabis.
“Iyong atin pong gobyerno laging umaangal kapag gustong bumili ng armas kulang ang budget namin kailangan naming bilhin ito, bilhin ito, lahat, lahat.
“Basta pag galing sa ibang bansa welcome sa atin, gamot, lahat.
“Pero bakit pagdating dito sa medical cannabis masyado tayong kontra?
“Ano ba ang meron sa medical cannabis at hindi natin matanggap na ito ay gamot.
“E yung lola ko naaalala ko pag masakit ang tiyan ng lola ko pupunta sa bundok sa amin sa Cuyapo kukuha ng “damoski”, andun.
“Di ba parang… matagal na itong gamot.
”So iyon po, ganun ko po siya ibebenta, na matagal na po itong gamot, hindi ito bago.
“Walang testing sinaksak sa atin, di ba merong isinaksak sa atin pumayag tayong lahat?
“Ito punumpuno na ng testing po, lahat po ng bansa, na progresibo po ha, na tinatawag po nating talagang developed countries, meron na po silang medical cannabis.”
Ibinahagi ni Senator Robin ang kanyang malawak na kaalaman sa ginanap na forum na “SCIENCE SUPPORTS IT, PATIENTS NEED IT: MEDICINAL CANNABIS NOW”.
Umani ng suporta si Senator Robin mula sa mga kilalang pandaigdigang eksperto sa cannabis para sa pagsusulong ng legalisasyon ng medical marijuana sa bansa ayon sa nasasaad sa Sen. Bill No. 2573 o ang Cannabis Medicalization Act of the Philippines na inakda ni Sen. Padilla.
Kolektibong isinusulong nina Sen. Padilla at ng global cannabis experts na sina Dr. Shiksha Gallow at Wayne Gallow ang pagsusulong sa medical cannabis na anila’y makatutulong sa pain management ng mga cancer patients, bukod pa sa ibang benepisyo.