Advertisers
Ito ang pagkakataon na mismo ang kalaban ni cager ay ang sarili niyang koponan.
Si Jimmy Butler ng Miami sa NBA ayaw na maglaro para sa Heat kaya humiling na ma-trade siya.
Ire naman si Mickey Williams ng TNT sa PBA halos dalawang taon na wala sa eksena kasi wala pa silang napagkasunduang bagong kontrata.
Dalawang kaso ng mga basketbolista na hindi maganda ang sitwasyon sa team nila.
Si Butler tahasang sinabi hindi na siya masaya sa Heat na malamang dahilan ay kanyang contract extension samantalang si Williams ay sobra-sobra sa itinakdang sahod ng liga ang hinihingi.
Sino mananalo sa dulo? SI hoopster o si franchise owner? Abangan!
***
Natutuwa si Renren Ritualo sa pagkakakuha niya ng temporary restraining order laban sa Comelec. Mangyari ay initsapuwera kanyang pangalan sa mga balotang pinaiimprenta.
Kasama ang dating King Archer sa limang kandidato na may TRO mula sa Korte Suprema. Kaya wala magagawa ang poll body kundi ibalik sila sa opisya na listahan.
Si Ritualo ay kabilang na konsehal sa tiket ni Mayor Francis Zamora na isa ring DLSU Green Archer noon.
May nag-file kasi na hindi siya legit na residente ng San Juan na kinatigan naman nina Chairman George Garcia.
Pero inakyat nila ang kaso sa SC na pinaboran ang basketbolista. Coach na ngayon ng La Salle Greenhills ang 2002 PBA Rookie of the Year
Nagdribol siya para sa Air 21, TNT, Powerade at Meralco.
Ang 45 años na council aspirant ay naging analyst din sa tv at radio coverage ng PBA at UAAP.
Ang problema ngayon ay nasayang na mga anim na milyong na-print na balota. Back to zero ang buong sistema. Aabot sa 130 – 150M ang perang nalusaw dahil dito. Pondo sana na maaaring ipagpatayo ng mga eskwelahan o ospital.
Ano ba yan!
Abangan si Kimberly Anne Custudio, ang gold medalist sa 2024 Asian Jujitsi Championship, sa ika-27 ng buwang kasalukuyan na episode ng OKS@DWBL.
Matutunghayan rin ang palabas na itinayaguyod ng Biofresh sa Facebook Live at YouTube.
Si Kim ay silver medalist din sa nakaraang World Jujitsu Championship.
Co-host natin dito ang batikang sports journalist na si Lito Cinco.