Advertisers

Advertisers

PANGATLONG PWERSA

0 2,485

Advertisers

Magkawangis ang naglalabang pwersang pampulitika na ibig ang mamayagpag at kamkamin ang yaman ng bansa higit ang salaping bayan. Daig ang palakasan sa pagtatagisan ng makuha ang pagsang-ayon ng bayan at mamamayan. Sa aga ng laban nag-uunahang maka-ungos gayung hindi laban sa panguluhan ang nakataya sa darating na halalan. Batid ng bayan ang dalawang magkatungali na nagsisibakan sa paglulunsad ng mga pagkilos na kawangis ng mga miting de abanse, ngunit naka takip sa mapayapang pagtitipon. Silip ang pwersa ng kadiliman mula sa kaTimugan ng maglunsad ng mapayapang pagtitipon subalit nakatuon ang birada sa gobyerno na ‘di magawang pababain ang halaga ng mga bilihin. Habang ang lakad ng isa’y pagsisiguro na walang makakatungali bilang kinatawan sa distritong tatakbuhan. At nasigurong walang problemang kahaharapin sa pagsipa ng COMELEC sa mga magkakatungali.

Nakakasuka ang postura ng magkatunggali sa pulitika sa kadahilanang ganap at ‘di maitago ang pagnanasa na makuha ang pag-ungos ng isa’t – isa sa kaagang panahon. Sa totoo lang, kapansin pansin ang paglalaan ni Mang Roman ng bilyon bilyong piso para sa AKAP upang ipadama kuno ang init ng yakap at pagmamahal sa mga bobotante ‘di nagsusuri. Hindi maitago ang pagiging sakim sa salaping bayan gayung maliit na Distrito ang tangan sa kaBisayaan. Para saan at kanino ang P26B ng AKAP na ipinalusot sa GAA at ang P288B na unprogrammed fund? O’ naghahanda sa ilang taon ng sa pagpapakilala at pakitang taong pagmamalasakit kay Mang Juan. Subalit ‘di mangmang si Mang Juan na tanaw ang kilos ni Mang Roman na Masiba Rin sa salaping bayan. Gamit ang pwestong tangan sa pamahalaan ang sandatang hawak na nagbibigay ungos sa mangmang ng kaTimugan. Hindi pa bangit ang pagiging kadugo si Jun Singhot.

Silip ang kalamangan ni Mang Roman sa makakatunggali, ngunit huwag magpakampante dahil ‘di lang ang sektang kumilos sa mapayapang pagtitipon ang alas dahil trilyong trilyon piso ang tangan na ipantatapat sa bilyong AKAP. At sa oras na malagpasan ang usapin ng pagpapasipa, ang barahang tangan ang magpapahirap kay Mang Roman na nakaamba sa oras na matiyak na walang bilang ang Masiba Rin sa bugok na kapulungan. Maliit ang mag-abot ng P1B sa bawat kinatawan ng bugok na kapulungan na magtitiyak na maaabswelto sa ihahain na pagpapasipa ng malawak na kapulungan. Umaasang tatawa si Inday Siba at magsasabing sa iyo ang Kongreso sa akin ang Senado at para saan ang perang mayroon ako, hahaha.



Sa totoo lang, nagpapalitan ng ungos sa laban ang magkatunggali sa ’28 at walang makakapagsabi kung sino ang nakakahigit. Patas sa kilos ang magkatunggali ngunit umasa na magbabago ang regla kung saan papaling si Jun Singhot sa laban na walang panalo ang bayan. Mabigat ang paling na gagawin ni Jun Singhot higit nasa ilalim nito ang galamay ng pamahalaan na magagamit sa pagpapababa ng programa na magdadala ng ngalan ng papanigan. Ang makuha ang basbas ni Jun Singhot at ni Lizarda ang malaking bentahe sa laban na nagsisimula sa ngayon pa lang. Ngunit bayan huwag mag-alala nasa iyo tunay na pasya na kung sino ang ibig siyang hihirangin.

Tunay na gapi ng maagap ang masipag ngunit sa kasalukuyang pagkakataon na kapwa masiba at magulang sa galawan ng mga nagnanasa sa pwestong asam, ang pagtatasa ang tamang hakbang ng ‘di maligaw sa pasya sa kinabukasan. Madalas na tama ang puso subalit mainam na sa pagpapasya isangkot ang isip. At ito ang makatuwiran galaw para sa pangmatagalan ang pakinabang na ‘di pansarili higit sa bayan. Ang sandaling pakinabang tulad ng ayuda o AKAP ang ibig ng magkaribal sa mga bobotante ngunit batid na ‘di ito ang tamang tugon sa kahirapan na dinaranas ng bayan.

Sa totoo lang, batid ang kalagayan ng bayan higit ang kabuhayan na kailangang itama at tugunan ng pamahalaan. Sa uri ng mga liderato sa bansa sa kasalukuyan na una ang sarili at ‘di ang bayan ang masakit na katotohanan na siyang dapat basehan ng pagdedesisyon sa halalan. Mabigat ang pasanin ni Mang Juan higit ang utang na napakalaki at patuloy na lumalaki. Sa datos o tala, dekada na ang lumipas, pumasok at lumabas ang mga bagong ngalan na naging puno ng bansa ngunit ‘di nakawala sa kahirapan si Mang Juan. Walang hindi magaling sa panahon ng pamumuno subalit hindi natugunan ang pasang kahirapan ni Mang Juan hanggang sa kasalukuyan. At ngayo’y nariyan ang naggigirian na ibig maging lider ng bansa na batid ang pagiging masiba sa salapi ng bayan. Paano na ang bayan at ang salinlahi?

Bayan at Mang Juan pag-isipan ang pasya ng tamang gawin ng ‘di masadlak ang kinabukasan ng bayan at salinlahi. Batid na nakakarami sa mga lider ng bansa higit ang mga pulitiko na una ang sarili at ‘di ang bayan, bakit kailangan harapin at magpakita ng pagkagiliw. Salaping bayan ang gamit ng mga politikong iyan na tuwirang lumalapit upang magpahalal sa bayan na patuloy ang pagbulusok pababa ng kabuhayan. O’ sadyang pinanatili ang kabuhayan ng nakakarami sa pala-asang paraan ng ‘di mag-isip o mamulat sa tagal na panahon ng pagkakasadlak ng kabuhayan. Sa totoo lang, wala na sa wisyo si Mang Juan sa kung sino ang kailangang ihalal ng makamtan kahit ang pagbaba ng presyo ng bilihin. Batid na ‘di madali ang pagtugon sa kahilingan na pangkabuhayan ngunit matikman ang konting kaginhawahan sa presyo ng bilihin na tuloy tuloy ay sapat na sa ngayon.

Marami ang nagnanais na maglingkod, ngayon na ang panahon na magkaroon ng totoong serbisyo publiko at hindi politiko. Nariyan ang ilan na isinasalang ang sarili sa init ng laban para sa maayos na kabuhayan, ito ang ihalal. Di sapat ang pagkakaisang tinatawid ang tugunan ang kasalukuyang kahirapan ang unahin dahil hilahod na sa hirap si Mang Juan. Matarik ang landasin ng pagbubuklod ng mamamayan ngunit kailangan ng simulan sa paghahalal ng tama. Muli, magsimula sa iilang kandidato na ganap ang layon sa serbisyong publiko ang isinusulong, dito magsimula Mang Juan. Ang paghahalal ng kinatawang bayan na ‘di bibitaw sa layon na pambansa ang bigyan puwang sa halalan ng pakinabangan ng lahat. Sa pagkakataong makamit ang mithiing tagumpay sa darating na halalan ng mga kinatawang bayan sa itaas, isusulong ang kandidatong itatapat sa kapwa ganid na nagkakarera kahit malayo pa ang ‘28. Ang ikatlong pwersa na ibubunga ng darating na halalan na lalakipan ng pagtatasa para sa kabutihan ng kalagayan ni Mang Juan ang ipantatapat sa mga ganid na si Mang Roman at Inday Siba.



Maraming Salamat po!!!!